Ejercito, Gomez at Zamora labo-labo na sa San Juan City?
Jerry Yap
July 4, 2015
Bulabugin
DAHIL sa ambisyon na kopohin ang political power sa San Juan City, mukhang magaganap na ang pakakasira ng mga Ejercito (Estrada), Gomez at Zamora sa lungsod na kinakitaan ng malakas at matatag na alyansa ng dalawang angkan.
Mukhang hindi na nakayanan ni San Juan Vice Mayor Francis Zamora at ng kanilang pamilya ang naririnig nilang plano ng mga Ejercito (Estrada) at Gomez kung paano aangkinin ‘este hahatiin ang San Juan sa kanilang angkan.
Naulinigan daw kasi ni VM Francis na nagpulong na sina Mayor Guia Gomez, ang matandang Estrada at anak na si Jinggoy sa Camp Crame.
Sa Camp Crame umano niluto kung paanong pananatilihin ang 46-taon paghahari ng mga Estrada at Gomez sa San Juan.
Grabe ha!?
Kahit wala pang announcement ay kalat na kalat na umano sa San Juan na tatakbong muli ang 73-anyos na si Gomez, habang ang anak ni Jinggoy na si Councilor Janella Estrada ay tatakbong vice mayor at ang asawang si Precy ay tatakbong kongresista.
‘Yan daw siguro ang kahulugan ng pahayag ni Sen. JV Ejercito na siya at ang kanyang ‘estranged’ brother na si Jinggoy ay malapit nang magkasundo alang-alang sa isang strategic alliance para sa San Juan local elections.
Tsk tsk tsk…
Wala na ba talagang satisfaction ang extended clan pagdating sa kapangyarihang pampolitika?
Hindi ba sila napapagod sa ‘paglilingkod’ sa kanilang constituents!?
‘E tigas pang ipinagmamalaki ni Sen. JV na siya raw ang author ng anti-political dynasty bill sa Senado kaya imposible raw na magtayo sila ng dinastiya sa San Juan…
(E 46 taon na nga kayong namamayagpag d’yan sa San Juan ‘di ba?)
What the fact!?
Pero ayon kay Sen. JV, si VM Zamora raw ang nagpapahayag na tatapatan niya si Madam Guia sa 2016 elections.
At ito raw ay inililihim pa ng mga Zamora?!
OMG!
Ibig bang sabihin nito ay maghahalo na ang balat sa tinalupan sa San Juan?!
Ito na ba ang hudyat ng digmaan sa politika sa San Juan?
Mantakin ninyo, kopong-kopo na ang San Juan, pati Maynila ay dinayo pa?
Subukan n’yo naman tumakbo sa Quezon City o kaya sa Pasay city naman?
Totoo talaga ang kasabihang, ang politika ay showbiz na showbiz talaga, walang permanenteng kaaway… at higit sa lahat huwag din magtiwala sa kaibigan.
Hik hik hik…
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com