NAPAKALILO talaga sa mamamayan ng administrasyon ngayon ng Maynila.
Noong agawan ng isang barangay chairman ng share sa Real Property Tax (RPT) ang limang barangay sa Tondo, Maynila, ito ay maliwanag na pagnanakaw.
Kaya nga inireklamo ‘yan sa Ombudsman.
Pero ngayong binigyan pa ng award ng local government ng Maynila ang chairman na solong nilamon ang RPT shares, ‘yan, malinaw na kataksilan ‘yan sa mamamayang Manileño?
Isang tunay na lilo, kumbaga true blooded traitor lang ang makagagawa n’yan.
Harap-harapan kung pagtaksilan ang bayan?!
Sinahugan pa ng isang chairman na walang ginawa kundi magpatupada sa kanyang barangay, na binigyan din ng award — aba sukdulang pang-iinsulto na ‘yan sa mga Manileño.
Kumbaga, tinadtad na ba ninyo sa TAGA, ang inyong constituents?
Magnanakaw ng RPT shares at barangay TUPADA sa Tondo, naging awardee noong ika-444 Araw ng Maynila?!
KAPALMUKS naman talaga!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com