KATUWA naman si Julia Montes. Wala kaming kaalam-alam na noong Sabado pala nang makita namin ito sa Open Kitchen ay kaga-gradweyt lamang niya mula sa Center of Culinary Arts, kasabay ni Yam Concepcion. Kaya pala nakaputi itong polo nang dumating sa UP Town Center.
Napag-alaman namin ito mula sa balita ng abscbnnews.com at mula sa Instagram account ni Julia nang i-share niya ang kanyang latest achievement.
Ani Julia, one of the happiest moments in her life ang pagtatapos niya at pagkakuha ng diploma habang nakasuot pa ng toque.
Naging mas espesyal pa ang naturang pangyayari dahil naroon ang kanyang kapatid para makita ang pagtanggap niya ng diploma.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio