Wednesday , December 25 2024

Smart palpak sa iPhone

00 Bulabugin jerry yap jsyNANGHIHINAYANG talaga ang inyong lingkod sa napakalaking kompanya ng SMART.

Ang dami nilang empleyado at napakarami nilang empleyado pero hindi nila maayos nang tama ang sistema sa kanilang SMART iPHONE.

Isang kabulabog ang nagreklamo sa inyong lingkod sa palpak na serbisy ng nasabing network.

Three months ago, kumuha siya ng iPhone sa SMART. Pero after three months nga biglang napalpak ang kanyang iPhone.

E di s’yempe, dinala niya sa service center para i-check-up. Pero ang sabi, dapat sa service provider siya magpunta. ‘E di nagpunta naman siya.

Pinababalik siya after two weeks. Bumalik naman siya pero ang sagot sa kanya, defective ang unit.

Sonabagan!

Una, ‘yung service provider. Pagdating sa service provider, i-Phone naman daw ang defective.

Anyway, papalitan naman daw ang unit (iPhone). Medyo natuwa naman ‘yung kabulabog natin.

Pero bigla rin siyang nalungkot nang malaman niya na aabutin ng apat hanggang limang buwan bago mapalitan ang unit ng kanyang iPhone.

What the fact!

Anong serbisyo mayroon ang SMART?!

PALPAK na serbisyo!

Buset!

Magserbisyo kayo nang tama!  

Harassment sa 2 indian national sa BI-Mactan (Pakibasa SoJ Leila de Lima!)

AWARE kaya si DOJ Sec. Leila De Lima na isang Lawyer confidential agent sa Bureau of Immigration ang pinagkalooban ng sobrang powers to the extent na tuluyan nang nagbibigay ng mga diskarteng sablay sa office ni Comm. Fred ‘valerie’ Mison?

Kumustahin natin kung nakarating kay DOJ Sec. Leila De Lima ang kaso ng dalawang (2) Indian nationals na si Hardeep Singh and Gagandeep Singh na na-exclude noon pang March 2014 sa Mactan Cebu International Airport.

Since excluded na for violation of Sec. 29(a) (5) of Philippine Immigration Act of 1940, as amended, o sinasabing for being a Public Charge ang kaso ng nasabing dalawang Bombay, nararapat lang na tuluyan nang i-deport pabalik sa pinanggalingan nilang bansa.

Pero sa hindi malamang dahilan, isang Atty. Tara ‘girl’ daw na naka-assign noon sa BI-MCIA ang biglang nag-oppose at ipinilit na huwag i-deport ang dalawang Bombay at ikulong na lang sa opisina ng Mactan Cebu?!

E bakit daw?

Ano ang legal personality ng isang confidential agent na i-overrule ang decision ng BI Head Supervisor sa Airport?

Hindi raw talaga pumayag si Atty. Tara “Girl” na hindi maipakulong ang dalawang kaawa-awang Indian nationals at kung ano-ano pa ang ipinatong na kaso para lamang mai-file sa Cebu RTC!

Sonabagan!

Ano ‘yan, pakitang gilas?

Wala raw nagawa ang mga Bisor sa BI-MCIA at  hindi na nakapagreklamo sa inaasal nitong si Atty. tralala ‘este Tara pala dahil sa takot nila na magsumbong kay Comm. Fafah ‘este mali, Fred Mison at baka sila pa raw ang mapasama.

Since tuluyan nang nagkaroon ng kaso sa korte ang dalawang kawawang Bombay, isang very in-appropriate action pa ang pinakawalan ng nagpi-feeling OIC na abogaga ‘este abogada.

Ano raw ‘yun?

Without proper authority vested on her, siya pa raw ang nag-attend ng “hearing” at talagang nag-enter pa ng appearance sa Cebu RTC.

What the fact!? Hindi ba bawal ‘yan?

Anong personalidad ng isang confidential agent na i-represent ang pangalan ng Bureau of Immigration sa mga ganitong klaseng kaso?

Pakisagot nga Atty. Norman ‘bright boy’ Tansinco!

Kahit alam pa raw ni Comm. Mison ang mga saltong pinaggagagawa ni Atty. Tara “Girl” ay patuloy pa rin niyang kinokonsinti dahil malay natin kung  kasama rin siya sa mga pinag-aalayan ng kanyang favorite past time na basketball, hindi ba?

Well, Madame Secretary De Lima, puwede ninyong imbestigahan ang kasong ito diyan sa BI-MCIA.

Kompleto ang hawak naming dokumento at hindi po ito tsismis!

Kung interesado kayo, magpasabi lang kayo para maihatid namin nang buong-buo ang kompletong detalye ng kasong ito diyan sa DOJ for proper investigation.

It’s not fun anymore at BI-Mactan, Madame SOJ De Lima!

Hanggang ngayon ay nasa custody pa ng BI ang dalawang (2) Indian nationals at ang isinisigaw nila ay HUSTISYA!

Happy Father’s Day

Isang makabuluhan at masayang pagbati po para sa  lahat ng mga “TATAY” sa araw na ito.

Inihahandog po natin ang araw na ito sa lahat ng mga tatay, umaaktong tatay, mga lolo, at sa lahat ng padre de familia!

Mabuhay po tayong lahat!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *