Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Liza at Enrique, umaming mag-MU na! (Just The Way You Are, kumita ng P12-M sa unang araw)

 

061915 enrique liza

00 fact sheet reggeeKOMPIRMADONG may mutual understanding na sina Enrique Gil at Liza Soberano at hindi ito promo lang ng Just The Way You Are dahil kumita na naman ito ng P12-M sa unang araw ng pagpapalabas.

Nauna naming narinig ang sinabi ni Enrique na, ‘may something’ sila ni Liza sa guesting nila sa Gandang Gabi Vice na hindi naman nag-react ang dalagita.

At muli itong inulit ni Enrique sa guesting nila ni Liza sa Aquino & Abunda Tonight noong Miyerkoles ng gabi nang tanungin siya ni Kris Aquino kung ano na ang real score nila at binanggit nga ng aktor na ‘may something’ na sila.

Kaya pala natanong ito ni Kris ay dahil nahuli raw niya dalawang taon na ang nakararaan na nakatitig si Enrique kay Liza na noo’y 15 years old lang.

Kaya pinayuhan daw ni Kris si Enrique na palakihin muna niya kasi bata pa noon si Liza na sinunod naman ng aktor.

At ngayon nga ay heto, may mutual understanding na ang dalawa na sa pagkakatanda namin ay hindi puwedeng magkaroon ng boyfriend si Liza hangga’t wala siya sa edad na 25 at kailangan niyang magkaroon muna ng dalawang bahay, isang condo unit, at dalawang sasakyan.

Kung hindi kami nagkakamali, may isang bahay at isang sasakyan palang siyang naipupundar.

Kaya tinanong namin ang manager niyang si katotong Ogie Diaz kung ano ‘yung may something na binabanggit ni Enrique sa kanila ni Liza.

Ang sagot sa amin ni Ogie, “’yung something special, mutual understanding iyon.”

Balik-tanong namin kung okay sa kanya iyon at baka ‘yung something special, eh, maging serious something na.

“Hamo na, basta wag lang lalampas sa guhit at mai-deliver niya ang 2 houses, 1 condo and 2 cars,” sabi ni Ogie.

Tinanong namin kung nagpaalam ba sa kanya si Liza bago nakipag-something special kay Enrique, “nagsabi naman, sabi ko lang sa kanya, ‘wag lang masyadong mahuhulog dahil bata pa siya at dapat priority niya ang career niya.”

Sabi namin ay sana lang at hindi siya mabola o makalimot sila ni Enrique at tinanong namin kung nagpaalam sa kanya ang aktor bago nito hingin ang something special kay Liza.

“Nag-usap kami sa eroplano when we left Isabela,” pag-amin ni katotong Ogie.

So, hayan, legal naman pala ang pakikipag-something ni Liza kay Enrique, Ateng Maricris.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …