BONGGA talaga itong Dreamscape Entertainment Television gayundin si Judy Ann Santos.
Inihayag kasi ng Dreamscape na hihintayin nila ang pagbabalik-telebisyon ni Juday para sa pagtatambalang teleserye nila ni Richard Yap. Kaya naman tuloy na tuloy pa rin ang pagsasama ng dalawa after makapanganak ng batang Superstar.
Itinigil lang ang produksiyon ng Someone to Watch Over Me at ipagpapatuloy na lang ito kapag nakapanganak na si Juday.
Ibig sabihin nito, ganoon na lamang ang pagpapahalaga ng Dreamscape kay Juday at talagang para sa aktres ang karakter sa Someone To Watch…
Kaya sa mga nag-aabang ng pagsasama nina Juday at Ser Chief, maisasakatuparan pa rin ito matapos manganak ng aktres.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio