Friday , November 15 2024

Ping, Ping muling kumakalansing para sa 2016

00 Bulabugin jerry yap jsyAS USUAL parang barya na namang kumakalansing ang mga papansin ni Ping a.k.a. ex-PNP chief, ex-anti-crime and rehab czar, and ex-senator Panfilo “Ping” Lacson para sa darating na election event sa 2016.

Nasasayangan tayo sa ‘dagundong’ na nilikha ng pangalan ni Ping noong pabor na pabor pa sa kanya ang panahon.

Bagama’t pawang kontrobersiyal ang kanyang achievements hindi maikakailang sa kabila ng kaberduguhan ay naikintal din niya ang imaheng Mr. Clean.

Sino ba naman ang hindi bibilib sa Senador na hindi kumukuha ng pork barrel fund at rehab czar na wala rin pondo.

O ‘di ba?! Para siyang may ‘halo’ sa ulo?!

At ‘yang imahe na ‘yan ang ginagamit ngayon ni Ping at ng kampong nagtutulak sa kanya para tumakbong presidente sa 2016.

Kung ikokompara nga naman sa presidentiable na tila wala nang alam, malamya pa ang career; at isa pang presidentiable na beteranong street parliamentarian pero hataw naman sa overpriced transactions sa mga kontrata, ‘e mukhang baka mayroon nga namang maligaw na sumimpatiya sa ‘Mr. Clean’ na si Ping.

Pero sabi nga, kuwidaw, kaiingat.

Sa simula’t simula pa ay hindi nakikita ang determinasyon ni Ping na masungkit ang pinakamataas na posisyon sa bansa.

Lagi lang siyang nagsasalita na tila humahamig ng simpatiya at nagpapansin para sa huli ay areglohin?!

Naalala pa natin noong tumakbong presidente ang yumaong Fernando Poe Jr. Ang dapat na running mate niya noon ay si Ping.

Kasado na ang buong kampo ng aktor para sa pagpipinal ng kasunduan at sa ganoong set-up nang biglang umatras si Ping.

Walang paliwanag kung bakit.

Sabi nga ng isang very close kay Da King FPJ, biglang cannot be reached na si Ping sa kanyang cellphone nang tinatawagan siya bago ang filing ng candidacy.

Pero later on, lumutang ang impormasyon, isang alyas Zamora umano ang nagkombinsi kay Ping na umatras bilang running mate ni FPJ.

Magkano ‘este ano kaya ang malaking dahilan at nakombinsi si Ping ng isang alyas Zamora?

Dahil kaya sa ‘token’ ni Mr. FG?

Kung ano man ang naging dahilan, sana ay huwag na itong maulit na mangyari kay Sen. Grace Poe.

Kung hindi pa rin tayo nagkakamali, isa ‘yan sa mga isinama ng loob ni FPJ…

Hinamon siyang pamunuan ang laban para itayo ang pangalan ng kanyang BFF na si Erap.

Pero ang mga inakala niyang aalalay sa kanya sa likuran ay tila itinulak siya sa bangin ng kapahamakan at kataksilan.

Kaya hindi na tayo nagtataka kung bakit ang dagundong dati ng pangalan ni Ping ay biglang naging kalansing.

May ‘milagro’ ba sa lifting ng blacklist order? (Attention: SOJ Leila de Lima)

Marami na tayong naririnig na istorya at reklamo na umaangal ang mga foreigner sa nangyayaring proseso ng lifting of blacklist order sa Bureau of Immigration (BI).

Masyado raw unfair at hindi by the merits ang ginagawa para ma-lift ang blacklist ng isang foreigner.

Ang pinag-uusapan daw ngayon ay kung magkano ang budget para lang makapasok uli ng bansa ang isang na-blacklist.

Tumataginting na 350K plus na raw ang nangyayaring singilan na halos ikahimatay ng mga kaanak at kaibigan ng isang foreigner para lang sa isang simpleng kaso o exclusion na nangyari!?

At kung hindi raw kayang magbayad nang ganitong halaga, siguradong mahihirapan sa dami ng hinihinging requirements. Matutulog nang matagal sa BI-OCOM ang dokumento at sa huli ay denied ang application for lifting of blacklist.

Ngayon, kung may kakayahan naman kumonek sa right people at maglabas ng 350K, siguradong approved without thinking, lifted agad sa blacklist!?

Nalaman natin na hindi na pala Legal Division ang humahawak ngayon ng lifting ng blacklist order kundi mismong sa office ni BI Comm. Fred ‘valerie’ Mison niyayari ‘este tinatrabaho ang proseso.

Hindi rin pala kasama sa prosesong ito ang dalawang bukol ‘este BI Associate Commisioner.

In short, para daw naka-imbudo ang proseso nito sa BI-OCOM!?

Kung wala rin lang konek dito ay parang volleyball ang iyong papel na pabalik-balik kung saan-saan at sa huli ay swak ito sa basurahan?

Ngayon kung matibay naman ang iyong abogado o kung sa mga repapips na sina alias Atty. INGGO, BUHOL-BUHOL at Atty. LUYA  ang may hawak, siyento por siyento approved ang iyong lifting without delay!?

Sand of a beach!

Naturalmente kinakailangan sumuka ng hindi bababa sa 350K para lang dito.

Mas mabuti siguro na manawagan tayo kay SOJ Madame Leila De Lima at baka hindi pa niya alam ang ‘MILAGRO’ sa BI.

Matagal na bang nabubukulan si Madame SOJ!?

2 airport police at sekyu sa NAIA T1 iimbestigahan

JERRY YAP

Columnist

Police Files

Dear Mr. Yap,

The Office of the Senior Assistant General Manager has read your article entitled, “Mag-ingat sa mga berdugong pulis at sekyu sa NAIA Terminal 1,” dated Wednesday, May 20.

We express regret for the inconvenience that the certain fetcher mentioned in your article experienced.

Rest assured, an investigation will be on its way while disciplinary action will be imposed on the particular personnel also mentioned in your article.

We would appreciate, however, if you could share more details surrounding the incident. Please do not hesitate to get in touch with the Media Affairs Division.

Thank you.

Sincerely,

(Sgd) David Faustino T. de Castro

Public Relations Officer

Maraming salamat po sa pagbibigay-pansin ninyo sa ating kolum. Magalang rin pong hinihiling ng taong susundo sa kanyang ina na paki-review daw po ang CCTV ca-mera at doon ay makikita ninyo kung ano ang asal nina AP Antonio & Estrella at SG Francisco.

Muli, maraming salamat po.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *