Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Press Photographers of the Phils Charity race

00 dead heatHAHATAW na sa darating na Mayo 16, 2015 araw ng Sabado ang 2015 Philracom “Hopeful Stakes Race (Locally born 3YO horses) sa karerahan ng San Lazaro sa distansiyang 1,400meters.

Kumpletong 14 ang nominado sa P1 million Hopeful Stakes Race. Ang kumpletong hahataw ay Apple Du Zap, Burbank, Cat’s Dream, Hurricane Ridge, Jazz Wild, Karangalan, Mr. Minister, Princess Ella, Reyna Elena, Showtime, Song Of Songs, Thunder Maxx, Wanderlust at Wannabe.

Ang mananalo rito ay tatanggap ang may-ari ng P600,000, ang second placer ay tatanggap ng P225,500, third P125,000 at ang pang-apat ay P50,000.

Sa araw naman ng linggo Mayo 17,2015 ay aarangkada ang 2015 Philracom “1st Leg Triple Crown Stakes Race.

Labing-anim (16) ang naging nominadong kabayo para sa P3million race. Ang magkakampeon dito ay mag-uuwi ng P1.8-million. Ang second place ay P675.500, sa third place ay P375,000 at P150,00 para sa pang-apat. May bonus na P100,000 para sa breeder sa magkakampeong kabayo.

Ang distansiya ng karera ay 1,600 meters.

Ang mga nominadong kabayo ay Breaking Bad, Cat’s Express, Court Of Honour, Diamond’s Best, Driven, Hook Shot, Icon, Incredible Hook, Jebel Ali, Mayweather, Miss Brulay, Money Talks, Princess Meili, Real Talk, Sky Hooks at Superv.

Sa labing-anim na deklaradong kabayo tiyak dalawa dito ang mawawala sa listahan.

oOo

Ang Press Photographers of the Philippines (PPP) Charity Race na sponsor ng Philippine Racing Commission (Philracom) ay lalarga rin kasabay ng 2015 PhilraCom 1st Leg Triple Crown Stakes Race.

May Photo contest para sa mga Press Photographers na kukuha na larawan sa First Leg ng Triple Crown Stakes Race. Ang mga isasaling entry dapat ay nai-publish.

SALI NA MGA PHOTOGRAPHERS!

oOo

Lumapit sa atin ang isa dating sikat ng HINETE. Sinabi niya sa akin na gusto niyang maging isang Board Of Steward sa isa sa tatlong karerahan dito sa ating bansa.

Dapat sa Philippine Racing Commission siya lumapit para matulungan at ituro sa kanya ang tamang gawin kung paano mag-apply bilang isang Board Of Stewards.

Malaki ang maitutulong ng hinete na ito kung makakapasok siya bilang isang steward.

 

OSONG TAKE AWAY SHOP REFRESHMENT

Pag-aari ito ng dating Barangay Chairman Adriano “Bambi” Estrellado na makikita sa 558 corner M. Adriatico at San Andres, Malate, Manila. Sa may ground floor ng Malate Crown Plaza.

Mura lahat ang makakain ninyo dito tulad ng Salad, Grilled Cheese and Tomatoes, bacon Lettuce and Tomato, Chicken Sandwich, Hotdog Sandwich.

Osong’s Homemade Reef, Burger, Fried Chicken Wings, Spaghetti Bolognese, Cheeseburger, Chinese Siomai at Checken Bruger at marami pang iba.

Puwede itong tawagan sa #0927-889738/0906-3106883/0928-7770932.

 

 

ni Freddie M. Mañalac

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …