Sevilla Worst BOC chief
hataw tabloid
May 4, 2015
Opinion
NAG-UMPISA na ‘yung tinatawag na crying baby na si Sunny Sevilla, maraming nagulantang sa mga pinagbibitaw niyang maaanghang na salita laban sa taga-Bureau of Customs (BOC) na kaniyang pinagsilbihan.
Noong una sabi niya malaki na ang ipinagbago ng BOC nang manungkulan siya pero ngayon nahihibang na yata siya dahil pati Iglesia Ni Cristo ay kinalaban niya na wala man lang siyang ebidensiya.
Dapat talagang kasuhan ng INC si Sevilla at hindi lang ‘yun, pati mga nagluklok sa kanya sa kapangyarihan ay kaniyang kinakalaban at pinagbintangan pa niya na mga nakikiusap sa kaniya ay sina Sec. Cesar Purisima na kanyang pinagkakautangan ng loob dahil siya ay inilagay sa BOC para manungkulan.
Kung sino-sino ang idinadawit, pati si Usec. Carag ng Finance, Executive Secretary Ochoa ay kanyang pinagbibintangan.
Ayon sa mga opisyal ng BOC sana ipaliwanag muna ang failure to collect almost 100 billion deficit ng BOC sa kanyang panunungkulan. Sabi pa ng isang empleyado unfair siya sa bureau, sinira na naman niya ang inumpisahan niya na pagbabago at magandang imahe.
Unfair siya sa bagong Commissioner dahil ginawa niyang parang corrupt at fund raiser ng 2016 election parang siya lang ay qualified at mabait.
Sabi ng ilang opisyal pinakisamahan naman siya at tinulungan para malinis ang BOC kabaligtaran pala.
Para daw siyang asong ulol na nakawala na pinaghahanap ng kanyang alaga at kagat nang kagat . Pati kasama niya na mga opisyal na dala niya ay nawalan ng gana at respeto sa kanya dahil pag magsalita siya ay parang siya lang daw magaling at masahol pa raw sa hayop kung magbintang.
Parang kinalaban na rin daw ang pangulong Noynoy dahil maprinsipyo na wala sa ayos.
Ang alam daw na accomplishment niya ang pagkompiska ng ID ng limang personero.
Nakahihiya ang daming opisyal at broker ang nagalit dahil lahat ng negosyante at empleyado ang tingin niya lahat magnanakaw. Sabi ng top officials nawalan daw sila ng respeto kay Sevilla.
Sabi pa ng dating customs chief karapatan ng presidente ang mag-appoint kaya dapat inirerespeto daw ang pangulo.
Dapat paimbestigahan daw ng NBI bakit ang laki ng deficit niya at di man lang nakamit ang collection target niya. Saan napunta ang 100 billion deficit?
Sabi nila ang accomplishment ni Sevilla ay lumalakad na walang bodyguard. ‘Yun lang. May ugaling plastic at akala mo raw siya lang ang magaling dahil nagtapos daw sa mga eskuwelahan ng matatalino. He he he!
Hindi ‘yan batayan Sevilla.
Ang daming magkakaso sa kanya lalo ‘yung pinagtatanggal niyang mga general. Dapat iniisip ni Sevilla ay pana-panahon lang. Sabi ng officials, “Akala ko ivy league siya, batang kalye pala ang dila.”
Hindi raw niya alam na sapol dito ang kanyang amo na si Sec. Purisima at mga taga-Palasyo lalo na si Pangulong Noynoy who trusted him.
Ang samang pakinggan ng mga mga sinasabi ng mga nakakapanayam ko. Ang specialty daw niya ay paninira.
Paano pa maniniwala ang taong bayan sa kanya pati DOF na pinanggalingan niya ay inaaway.
Pati si Comm. Lina ay sinapol agad niya.
Kahit ‘di tinitira pero reading between the lines, masama talaga ang loob niya dahil wala na sa power. Kung ako kay Sevilla pumunta na siya ulit sa Amerika dahil sigurado hindi siya tatantanan ng kaso lalo ‘yung mga inilagay sa CPRO na walang kasalanan puro suspetsa lang.
Sa mga kritiko ni Commissioner Bert Lina give him a chance at huwag kayong magbintang na puro haka-haka lang dahil kilala ko si Comm. Lina nang ilang taon na at ako ay naniniwala na nag-divest na siya.
Alam nating para sa bayan siya at marami na siyang pera. Siya ay ilang months na mananatili sa BOC para magreporma at hindi kagaya ni Sevilla na tinaguriang pinakamasamang naging customs chief.
Payo kay Comm. Lina huwag kang magtitira ng kahit isang staff ni Sevilla at sigurado ako mapapahamak kayo dahil may kaugnayan pa rin kay Sevilla lalong-lalo na ‘yung tumikim ng kaparinggot na kapangyarihan na si Girlie Gutierrez na alam kong kumita nang malaki noong panahon ni Sevilla.
Keep up the good work Commissioner Lina!
Ingat ka riyan.
Ito lang ang masasabi ko kay Girlie Gutierrez magpakabait ka na at huwag kang masyadong magyabang pana-panahon lang Girlie at magsisilbing aral ito sa taga-BOC huwag magkahangin ang utak kapag nandiyan ka na sa BOC ‘di ba Girlie Gutierrez?
Sabi pa ni Girlie Gutierrez kamaganak daw siya ni Ombudsman Gutierrez. He! He! He! Lalo siyang masisibak dahil ‘yan ang gusto ni PNoy.
Be ready to vacate your place girlie.
****
Binabati ko pala ang masipag at matalino kong pamangkin na si Regina Alethea Salgado na Candidate ng Chief Girl Scout Medal Scheme sa Region 1.
Siya ay isa sa matatalinong estudyante ng Mangatarem National High School na aktibo na nagmamalasakit sa ating kalikasan.
Keep up the good work iha.