Thursday , December 26 2024

Maitumba kaya ni Manny Pacquiao si Floyd Mayweather Jr?  

00 Bulabugin jerry yap jsy

BUKAS matutunghayan na ang pinakahihintay ng buong mundo na labanan sa ibabaw ng ring.

‘Yan ang “Battle for Greatness” nina undefeated American pound-for-pound king Floyd Mayweather Jr., at Pinoy boxing champ, Manny “Pacman” Pacquiao sa MGM Las Vegas, Nevada.

Gaya nang dapat asahan, kabilang sa magiging audience ng laban ni Pacman ang ilan nating mga mambabatas lalo na ang mga kongresista na kasamahan niya sa House of Representatives.

As usual, tiyak na marami na ang nagpustahan… ‘wag sana silang mabigo sa kanilang mga pusta.

Bagamat maraming Pinoy ang naiinis sa kayabangan ni Mayweather Jr., alam nating hindi ito ang labanan, kundi ang tapatan ng kanilang lakas at taktika sa ibabaw ng ring.

Ang estilo ni Mayweather Jr., ay tila pang-aasar para magalit o mapikon ang kalaban. Siyempre kapag galit ang isang tao, nawawala sa tamang wisyo.

Pero sa dami ng mga naging laban ni Pacman, naniniwala tayo na hindi mananalo ang nasabing estilo ni Mayweather Jr., laban sa kanya.

Mabigat ang laban na ito ni Pacquiao dahil mayroon siyang dapat patunayan. Lalo na’t ang kanyang kalaban ay wala pang naitatalang pagkatalo sa boksing.

Si Manny ay ilang beses na rin nakatikim ng talo pero napagtagumpayan din niyang maging pound-for-pound king.

Kaya ang aabangan natin bukas ay labanan ng dalawang pound-for-pound king kaya nga “Battle for Greatness.”

040715 pacman floyd

Siyempre dahil Pinoy tayo, gusto nating manalo si Pacman sa labang ito. Sapagkat ito ay magdaragdag na naman ng karangalan sa buong bansa gayon din sa ating mga kababayan sa buong mundo.

Marami ang nagsasabi na buwenas para kay Manny ang pansamantalang pagkakapigil ng bitay ni Mary Jane Veloso. Katunayan, gusto nga siyang dalawin ni Manny kapag natapos ang laban sa Las Vegas.

Wish lang natin na magtagumpay si Manny, para naman buong-buo ang kagalakang maramdaman ni Mary Jane kapag dinalaw siya sa Indonesia.

Gusto nating manalo si Pacquiao, dahil baka ‘uminit’ ang ulo ng ilang opisyal ng gobyerno na pumusta nang malaki, kapag natalo siya, tiyak madadamay ang mga serbisyong ipinagkakaloob nila sa mga kababayan natin.

Gusto nating manalo ang paboritong anak ni Mommy D., dahil alam natin maraming makikipagsaya sa kanya at maraming sasabit kapag muli siyang nanalo.

Pero higit sa lahat, gusto nating manalo si Manny Pacquaio dahil insipirasyon siya ng maraming kabataan na nangangarap magtagumpay sa larangang kanilang pinangangarapan na mapagtagumpayan.

Mataas na morale booster para sa ating bansa at sa ating mga kabataan kapag nanalo si Manny.

At sa kabila niyan, gusto rin natin sabihin na kabilang tayo sa umiidolo kay Manny sa pagiging boxing champ niya pero ikinalulungkot nating sabihin na hindi tayo natutuwa sa pagpasok nilang mag-asawa sa politika.

Alam natin manalo-matalo kay Mayweather Jr., ay sasabak sa mas mataas na posisyon ni Manny, senador at pagkatapos nito, tiyak mangangarap din siyang maging presidente…

Kaya ang dasal natin… sa laban nila ni Mayweather Jr., God please help Manny Pacquaio.

Sa kanyang planong pagtakbo sa senado o sa pagiging presidente ng bansa… God forbids.

MAY BIDDING-BIDINGAN SA AIRPORT CCTV?

050215 MIAA NAIA CCTV

MUKHANG marami ang naalarma sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa balitang tapos at plantsado na ang bidding sa daang milyon CCTV camera project.

Hindi ba’t may hindi magandang tsismis noon na may nag-resign pa na dalawang retired GENERAL dahil d’yan sa CCTV bidding na ‘yan?!

Ito ngayon ang siste, ayon sa ating sources, dalawang beses daw naging failed ang bidding.

What the fact!?

At mayroon palang patakaran na kapag dalawang beses nang nag-fail ang bidding, puwede na silang pumasok sa isang ‘negotiated deal’ sa isang bidder o contractor.

Ang tanong: sino kaya ang mapalad na ‘mabibiyayaan’ ng ‘negotiated deal’ na ‘yan?!

‘Yun kayang Kamaganak Inc. kaya?

Aba ‘e parang nakikini-kinita ko na…

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *