Saturday , November 23 2024

Nakialam ang tadhana kay Mary Jane Veloso

00 Kalampag percyIPINAGBUNYI ng sambayanang Filipino ang pansamantalang pagsuspinde o pagbibigay ng reprieve ni Indonesian President Joko Widodo sa pagbitay kay Pinay drug convict Mary Jane Veloso.

Binigyan siya ng tsansa ng Indonesia nang iapela ni PNoy na tetestigo si Veloso laban sa kanyang recruiter na si Kristina Sergio na sasampahan ng kasong human trafficking, illegal recruitment at estafa ng Department of Justice.

Pero wala pang linaw kung ang kaso laban kay Sergio sa Filipinas ay puwedeng maging basehan para buksan muli ang kasong drug trafficking ni Veloso sa Indonesia.

Ngunit may pag-asa pa rin na tuluyang maabsuwelto si Veloso kung pakikinggan ng korte sa Indonesia ang argumento ng abogado niyang si Atty. Edre Olalia ng National Union of People’s Lawyers (NUPL) na ipatupad sa kaso ni Mary Jane ang Law on the Eradication of the Criminal Act on Trafficking in Persons.

Giit ni Olalia, biktima ng human trafficking si Veloso at ginamit na drug courier nang hindi niya nalalaman.

Kung lulusot sa panlasa ng hudikatura sa Indonesia ang depensang ito ni Olalia, kailangan ng mas matindi at kolektibong dasal para sa kanya.

Nakialam ang tadhana at kumilos si Pres. Widodo upang bigyan ng pagkakataon si Mary Jane.

Sana isama na lang sa panalangin na matunton ng awtoridad ang mga nasa likod ng sindikato ng droga.

Alam ba ng mga Dacer na puntang US si Erap?

KUNG totoo na nakarating na sa Amerika si ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada para manood ng labang Pacquiao-Mayweather sa Linggo, posible kayang makamit ang hustisya sa pagpaslang kay PR man Salvador “Bubby” Dacer?

Matatandaan na isa si Erap sa 15-20 personalidad sa Filipinas na kinansela ang US visa noong 2008 nang sumabit sa espionage case nina dating FBI analyst Leandro Aragoncillo at dating police Col. Michael Ray Aquino.

Kasama rin si Erap sa mga akusado sa civil case na isinampa sa US ng mga naulila ng pinaslang na PR man Salvador “Bubby” Dacer alinsunod sa Torture Victim Protection Act (TVPA).

Tanging si Aquino lang ang tumanggap sa ipinadalang summons ng US District Court of the Northern District California kaya ang kaso lang laban sa kanya ang nilitis at nagpasya ang husgado na magbayad siya ng $4.2-M danyos sa mga anak ni Dacer.

Pero sa sandaling tumapak sa US soil sina Erap, ex-Sen.Panfilo Lacson, dating PAGCOR Chairman Butch Tenorio, businessman Dante Tan, dating police Major Vicente Arnado at PNP Sr. Supt. Glenn Dumlao, isisilbi sa kanila ang summons at mapipilitan silang sumailalim sa pagllitis hanggang matapos ang kaso.

Alam na kaya ng Dacer sisters at ng abogado nilang si Atty. Rodel Rodis ang press release ni Erap na nasa Las Vegas siya ngayon?

Bersiyon ni Erap kung bakit wala siyang visa

NANG maging guest sa programang Pasaway ni Mareng Winnie si Erap noong Enero ay nilinlang pa niya ang publiko.

Sabi niya, tumanggi ang Amerika na bigyan siya ng US visa noong 2008 kaya mula noon ay hindi na siya nagbiyahe patungong Estados Unidos.

Ang hindi raw pagbibigay sa kanya ng US visa ay maaaring bunsod ng naging utos niya na “all out war” laban sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) noong Marso 2000.  

Sabi pa niya, ipinaalam sa kanya ni Defense Secretary William Cohen ang kahilingan ni noon ay US President Bill Clinton na kung maaari ay huwag ituloy ang malawakang opensiba laban sa MILF. “I cannot recall my order,” ang sagot daw niya sa opisyal.

Nang maupo noong 2013 sa Maynila si Erap, ipinadala niya sa US Embassy ang kanyang pasaporte para humirit ng visa.

Ayon sa kanyang tuta na si Diego, makalipas ang ilang araw ay tumawag ang US embassy sa Manila city hall para ipagbigay-alam na kailangang personal na magtungo si Erap sa visa section.

“Kung ayaw nila, huwag!” ‘Yan daw ang sabi ni Erap, kuwento ng kanyang tuta.  

Simula nang hindi siya bigyan ng visa ay hindi na siya nagtangka pang kumuha nito para magbiyahe sa Amerika.

Abangan natin kung totoo at hindi press release lang ng kanyang kampo ang pagpunta ni Erap sa US.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])  

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *