Thursday , December 26 2024

Mary Jane nawa’y tuluyang maligtas sa firing squad

USAPING BAYAN LogoMEDYO nakahinga nang maluwag ang inyong lingkod matapos ipagpaliban ng Indonesia ang nakatakdang pagbitay kay Mary Jane Veloso. Ito ay malinaw na silahis ng pag-asa na maaari pang magbago ang kasalukuyang mapait na kapalarang dinadanas niya. 

Nagpapasalamat tayo sa Diyos at lahat ng kumilos upang magbago ang isip ni Pangulong Joko Widodo ng Indonesia. Siyempre Nagpapasalamat din tayo kay Pangulong Noynoy.

Ayon sa mga ulat, ipinag-utos ni Widodo noong Martes ang pagpapaliban ng pagbaril kay Veloso dahil na rin sa matinding pakiusap ng human rights activists at labor groups sa Indonesia. Katawa-tawa ngayon na may mga umaangkin ng kredito rito sa atin kaugnay ng pansamantalang pagkakasagip ni Veloso mula sa firing squad.

Napag-alaman pa na ipinaliwanag ng mga nakiusap kay Widodo na nasa kustodiya na ng pamahalaang Pilipino ang recruiter na sinasabing nag-ipit ng heroin sa bag ni Veloso. Malaki at positibo ang magiging epekto ng testimonya ng recruiter sa kaso ni Veloso. Bukod pa sa maaari itong maging daan sa paglaya ni Veloso ay maaari rin itong maging susi sa pagkakabuwag ng sindikato ng droga na kumikilos sa Indonesia at Pilipinas.

Nakuha ang heroin kay Veloso mula sa kanyang travelling bag ng mga Indonesian customs authorities mga limang taon na ang nakararaan. Ayon sa mga naunang ulat wala palang ginawa ang administrasyon ng espesyal na Pangulong BS Aquino III sa kaso ni Veloso noong unang usigin ng mga awtoridad na Indones sa kasong drug smuggling. Ni hindi pala nakapagpadala ng abogado o interpreter ang kasalukuyang espesyal na administrasyong Aquino. 

Sana ay hindi na ganito ang mangyari ngayon. Sana ay huwag sayangin ng espesyal na administrasyong Aquino ang milagrong ito upang tuluyan nang makalaya si Veloso.

* * *

Dahil sa paghahangad na huwag maunahan, maraming malalaking pahayagan ang nakoryente kaugnay ng balitang pagbitay kay Veloso. Dinaig pa ng mga pahayagang broadsheet ang mga manghuhula kaya ang resulta palpak ang istorya nila. Sinabi o ipinahiwatig nila na binitay si Veloso gayong hindi naman natuloy ang pagpatay sa kaya. 

‘Yan ang napapala ng mga aroganteng pahayagan na mas nagbibigay halaga sa pang-iiskup kaysa maging tama sa detalye. Hindi baleng ‘di ako mauna sa balita, ‘di baleng maiskupan ako basta ‘wag lang makoryente. 

* * *

Binabati ko ang aking kapatid na si Ricardo “Damon” Panelo sa kanyang kaarawan. Mabuhay ka ‘tol at hari nawa ay manatiling masaya, malusog at balanse ang buhay.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sahttps://www.facebook.com/privatehotspringresort?fref=ts para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon. 

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *