Agawan kay Grace Poe!
hataw tabloid
May 1, 2015
Opinion
Si Senadora Grace Poe ang pinakamabangong politiko ngayon…
Walang duda kung siya man ay hindi maging presidente sa 2016, tiyak siya’y magiging bise!
Ang init ng kanyang dating ngayon sa mamamayan ay hindi niya dapat palagpasin pa. Strike while the iron is hot, ‘ika nga! Dahil sa 2022, naka-programa sa kanya para tumakbong presidente, baka hindi na siya ganoon ka-bango sa pang-amoy ni Juan dela Cruz.
Tingnan ninyo ang mga naging number one senators noon na sina Gloria M. Arroyo, Tito Sotto, Loren Legarda at Chiz Escudero… hindi na sila ganoon kainit ngayon sa mga botante.
Sinuwerte lang si Arroyo… nang maging bise presidente at naging instant president nang ma-convict sa Plunder si ex-President/Mayor Erap noong 2001. Kinailangan pa nga niyang mag-”Hello Garci” noong 2004 presidential election para maungusan ang mahigpit na kalabang si late action king Fedrnando Poe Jr., ang ama ni Senadora Grace.
Kaya naman halos lahat ng presidentiables sa 2016 election, si Poe ang gustong gawing Bise. Pero kung ako kay Grace Poe, hindi ako papayag maging Bise lang. Ako na ang tatakbong presidente.
Oo, considering na mas mataas ang ratings ni Poe sa mga survey sa presidentiables, maliban kay Vice President Jojo Binay, na siya ang malapit na pumapangalawa, mas mainam na presidente na lang ang kanyang takbuhin. Tutal, matalo man siya, balik senador pa rin naman siya.
Pero, kung hindi pa siya handa maging ina ng bansa at piliin ang maging bise na lang muna, huwag siyang sumama sa presidentiable na may bahid ng korupsiyon o katiwalian lalo na ‘yung mga akusado ng plunder o pandarambong.
Ang mga presidentiable kasi na hot na hot maging ka-tandem si Poe ay sina Binay, DILG Sec. Mar Roxas, House Speaker Sonny Belmonte, tina-tandem rin siya kay Rodrigo Duterte na hinihikayat ng PDP Laban maging standard bearer.
Well, may limang buwan pa si Poe para pag-isipan ang pagtakbong presidente o bise na lang muna bago ang filing ng candidacy sa Oktubre.
Go na, Poe!
Hindi natapos na hukay ng Maynilad sa Brgy. 274, Binondo
– Joey, concerned citizen po ako. Irereklamo ko po yung hindi natapos na hukay ng Maynilad dito sa Brgy. 274 Zone 25, Sevilla St., Binondo, Manila. Mag-iisang buwan na pong nakatenga yung napakahabang hukay. Hirap pong dumaan ang mga sasakyan. Napakarami pang obstructions at double parking. Yung mga bata nagbabatuhan. Galing sa hukay ang mga bato. Maraming natatalisod na bata at matanda. Sana po ay maaksiyunan ang problema namin dito. Maraming salamat po. – 0999730….
Paging Manila City gov’t, Mayor Erap Estrada. Paki-follow-up lang po sa Maynilad ang nasabing hukay nila diyan sa Sevilla St., Binondo, sa Brgy 274. Iniwan daw nilang nakatenga! Baka abutin pa ‘yan ng tag-ulan…
30 tongresman manonood ng laban ng Pacman sa US
– Sir Joey, hanga talaga ako sa mga kongresman natin. 30 agad ang nagpaalam pa tumulak sa USA para manood ng boxing. Pag sa luho mabilis sila! Pero noong bagyong Yolanda wala ‘yang 30 tongresman na ‘yan. Ubos na naman ang kwarta ng bayan dyan! – 09124368…
Si Binay, Poe, Roxas, Duterte, Lacson o Belmonte sa 2016?
– Sir Joey, Binay pa rin po kami rito sa Norte kahit ano pang paninira ang gawin nila sa kanila. Go go Binay pa rin kami! At pag nangyari ‘yan, sa kangkungan pupulutin si PNoy, De Lima, etc… Hope maisulat itong reaksyon ko. Sana maging patas kayo sa pag-entertain ng reaksyon. Thanks! – 09068227697
(Sadyang inilabas ko ang numero mo para malaman mo na inilabas ko ang reaksyon mo at hindi ako bias. Ang hindi ko lang inilalabas ay ‘yung pagmumura at personal na atake sa tao).
– Gud am po. Duterte,Lacson, Lim lang kami. Sila lang po ang may kamay na bakal na kailangan natin bilang presidente – From Molino, Bacoor, Cavite, 0998353….
– Tanging si Mayor Digong Duterte ang dapat na pangulo ng Pilipina ssa 2016 dahil siya lamang ang may kamay na bakal na kinatakutan ng mga kurakot sa gobyerno. – 09399500…
– Sir Joey. Totoo ang sinabi ng isang texter na si VP Binay ay isang bilyonaryo na. Bakit hindi tama? Kasi halos tatlong dekada na hawak ng pamilya Binay ang renda ng pamahalaan ng Makati City at merong mga alegasyon na sila ay gumawa ng mga korapsyon sa bawat pwesto na kanilang hinahawakan. – 09276437…
– Sir Joey, Grace Poe po kami rito sa Occidental Mindoro. Naniniwala kami na kahit babae siya ay kayang kaya niyang pamunuan at paunlarin pa ang ating bansa. Malinis ang kanyang pagkatao, mahusay magsalita at hindi takot magbunyag ng katotohanan. Go, Grace Poe! – 09491448…
– Gandang buhay, Sir Joey. Para sa akin, gusto ko maging presidente natin ay si Vice Pres. Binay. Kasi po simula napunta ako dito sa Makati 1972, dito na po ako nagtapos. At nakita ko kung paano umunlad ang Makati at napakarami nya pong natulungan. Last 2012 naospital ang bayaw ko, P800K ang bill niya. Dahil may yellow card siya at residente ng Makati ay P200 lang po binayaran niya. At paglabas ng ospital, may wheelchair pa siya. Sino pong mayor makagawa nyan. Wala naman po opisyal ng gob. na di korap. At least si Binay may nagawa sa Makati. – 0909909…
* Bukas uli ang ibang reaksiyon sa kung sino ang inyong presidente sa 2016. Txt txt txt… ur president. Sabihin n’yo lang kung taga-saan kayo. Okey?
REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015