Saturday , November 23 2024

Hindi pa tapos ang laban para kay Mary Jane Veloso?

CRIME BUSTER LOGOHINDI pa dapat magsaya ang Aquino administration nang ipagpaliban ng Indonesian government ang hatol na firing squad sa Pinay na si Mary Jane Veloso.

Kung baga sa larong chess naka-one score pa lamang ang ating gobyerno kontra sa Indonesian government. Hindi dapat mag-easy-easy ang Department of Foreign Affairs dahil ang hatol na firing squad ay ipinagpaliban lamang o ‘deferred.’

He he he! Kung hindi nag-ingay ang grupo ng migrante, ang pamilya ni Veloso at ang iba’t iba pang sector ng lipunan, malamang bangkay nang iuuwi sa Maynila ang labi ni Veloso. Panay luha at hagulgol ang maririnig sa airport. Thanks Lord at pinakinggan n’yo po ang panalangin ng mga taong nagmalasakit kay Veloso.

Sa pagkakaalam ko malaki rin ang nagawa nina pangulong Noynoy Aquino at Vice President Jojo Binay nang sila ay magtungo sa bansang Indonesia. Maaaring lumambot ang puso at damdamin ni Indonesian president Widobo.

Kung mapapatunayang inosente sa pagda-dala ng illegal drugs na heroin ang Pinay na si Veloso, dapat habulin ng ating gobyerno ang mga taong nasa likod ng international drug smuggling. Ang recruiter ni Veloso, pitpitin sa imbestigasyon at kapag napatunayang may sala, ipakulong sa bilangguan.

Fresnedi sets up free viewing of Pacguiao-Mayweather fights

THE countdown begins for “The Fight of The Century” and residents in Muntinlupa City need not to spend money on pay-per-view houses just to witness Pacquiao-Mayweather bout as the local government of Muntinlupa will set up live streaming of the boxing match on Sunday, May 3.

Mayor Jaime Fresnedi announced that the city government will host free viewing of the fight without commercial breaks in ten different locations across the city.

Muntinlupeños can view the fight at the following locations: Muntinlupa Sports Complex, Bayanan Baywalk, Cupang Elementary School, Sucat Elementary School, Southville Elementary School, Soldier’s Hills Subdivision Covered Court, Alabang Elementary School, Buli Covered Court, Filinvest Socialized Housing Covered Court, and Covered Court Basilan Street, Ma-guindanao Avenue, Ayala Alabang.

Fresnedi said he wants to provide venues for free viewing of the match so they can support Manny “Pacman” Pacquiao in his fight as one city.

The local chief added that Muntinlupa joins in praying for Pacquiao’s safe fight.

Deputy Administrator Roger John Smith said there will be no ticketing system in the event and it will be a first come, first served basis.

He added that gates in the venues will be open early as 6 a.m. for the spectators to find a good viewing spot and be able to watch undercard matches.

Pacquiao’s attempt to beat the world’s No. 1 pound-for-pound boxer Floyd Mayweather Jr., will be held on MGM Grand in Las Vegas, USA next month.

Bucayu umayaw na sa Bucor

TULUYAN nang nag-resign sa kanyang puwesto bilang director ng Bureau of Corrections (BuCor) ang retired police general na si Franklin Bucayu.

Si Bucayu ang ika-limang BuCor director na umayaw sa puwesto simula nang maluklok bilang presidente ng bansa si Noynoy Aquino. Tama kaya ako Gen. Totoy Diokno, Gen. Pangi-linan at Gen. Santiago?

Anyway, kahit sino ang ilagay na director sa BuCor ay talagang sasakit ang ulo o tatamaan ng karamdaman dahil sa mga pasaway na preso sa maximum security compound (NBP) sa Muntinlupa at sa mga penal colony. Ang lakas ng ‘pressure’ lalo na sa VIP convicted inmates.

Milyones na salapi kasi ang nagko-control sa sistema sa loob ng Bilibid. Ang tinatawag na ‘mafiosi.’ Ang hindi sumunod sa kagustuhan ng ‘mafia’ ipinaliligpit ng sindikato.

Ding Santos hindi aatras sa politika

KAHIT hindi pa nakatitikim ng panalo, sinabi ni retired police captain, Ricardo “Ding-Taruc” Santos na wala siyang balak na iwanan o umatras sa politika sa Pasay City.

 “Sa loob ng 17 taon o sa tuwing may halalan ay lumalaban ako. Hindi ako pinapalad na manalo. Pero ang lagi kong dala-dalang ulo (Mayor) ay naipapanalo ko sa pamamagitan ng aking mga nakukuhang boto,” paliwanag ni Kuya Ding.

Padaplis lang!!! Sugalan sa gilid ng simbahan sa Lucban, Quezon

DAPAT ipasilip ni Quezon province provincial police director, Sr/Supt. Ylagan ang pergalan ni Baby Tomboy na itinayo nito sa gilid ng simbahan sa bayan ng Lucban, Quezon.

Malayo pa raw ang fiesta sa bayan ng Lucban ay panay na raw ang pasugal ni Angie at Elmer Negro sa nasabing lugar. Si Angie ang umaaktong broker at si Elmer Negro ang umaaktong look-out at poste sa sugalan.

Sa Calauan, Laguna ay hindi pa rin daw ipi-nasasara ng local police ang pergalan ni Yolly Solo na naging tambayan na nang mga adik at sugarol gabi-gabi.

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *