Thursday , December 26 2024

Si Mary Jane Veloso ay biktima ng mahinang ekonomiya ni BS Aquino

USAPING BAYAN LogoANG masakit na kapalaran na dinaranas sa mga sandaling ito ni Mary Jane Veloso sa Indonesia at ng iba pang overseas Filipino workers (OFWs) sa ibang panig ng mundo ang patotoo na limitadong-limitado lamang ang saklaw nang sinasabing pag-unlad ng ekonomiya na ipinangangalandakan ng espesyal na Pangulong Benigno Simeon Aquino III.

Si Veloso ay nakatakdang bitayin sa pamamagitan ng firing squad bukas (Martes) sa Indonesia matapos siyang mahulihan ng heroin sa isang airport doon, limang taon na ang nakararaan. Ang kontrabando ay isiningit daw ng kanyang recruiter sa kanyang travelling bag. Napag-alaman pa sa mga ulat sa pahayagan at television na wala palang ginawa ang administrasyon ni BS Aquino sa kaso ni Veloso noong unang usigin ng mga Indones sa kasong drug smuggling. Ni hindi pala nakapagpadala ng abogado o interpreter ang kasalukuyang espesyal na administrasyong Aquino.

Akala ko dinadakila ng pamahalaan ang mga OFW na tinawag pang mga bagong bayani? Bakit sila pinababayaan kung gayon? Bakit ngayon lang kayo kumikilos kung kailan tila pinal na ang desisyon ng hukumang Indones na barilin si Veloso? Puro pala kayo mga pakitang tao.

Kung talagang bumubuti ang ekonomiya ay dapat matagal nang inihinto ng pamahalaan ang pagluluwas ng lakas paggawa sa ibang bansa. Pero sa kabila ng pagyayabang ni BS Aquino na mahusay na ang ating ekonomiya ay patuloy ang pagpapalakas ng pamahalaan sa programa nito na magluwas ng lakas paggawa sa ibang bansa.

Dangan kasi ang iniluluwas na lakas paggawa ang tanging haligi pala na nagpapatindig sa ating ekonomiya ngayon. Napipilitang umalis ang ating mga kababayan upang makipagsapalaran sa ibang bansa kasi walang makuhang trabaho rito na magbibigay nang tama at disenteng sahod.

Ang totoo n’yan, ang nakikinabang sa sinasabi ni BS Aquino na pag-unlad ng ekonomiya ay ‘yung mga mayayaman lamang. Sabi nga ni dating Chef Justice Reynato Puno sa isang talumpati niya sa Annual Communication ng mga Mason sa Pilipinas kamakailan ay umaabot lamang sa “100 pamilya mula sa 17 milyong pamilyang Pilipino ang nagpapatakbo ng politika’t ekonomiya sa ating bayan.” Sa katunayan, ‘ika ni CJ Puno, ito ay sang malinaw na banta sa ating demokrasya.

* * *

Maligayang kaarawan sa aking kababata at kaklase sa UST High School na si Albert Gene Lorenzo na siya rin may-ari ng Infinity Resort sa Calamba, Laguna. Mabuhay ka Abet at muli, maligayang kaarawan sa iyo.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sahttps://www.facebook.com/privatehotspringresort?fref=ts para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon.

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *