Thursday , April 10 2025

Sa DTI kayo mamalengke

EDITORIAL logoWALANG silbi ang ipinagmamalaking Suggested Retail Price (SRP) ng Department of Trade and Industry (DTI).  Kahit punuin pa nila ng SRP ang palibot ng mga palengke at grocery, mananatiling mataas pa rin ang presyo ng mga pa-ngunahing bilihin.

Ang sinasabi ni Trade Sec. Gregory Domingo, bumaba at maaaring bumaba pa ang presyo ng mga bilihin ay walang katotohanan.  Ang SRP ay hindi maaaring sundin ng mga nagtitinda kung ang mga produktong  kanilang nabibili ay mataas na halaga.  

Ang SRP ay walang puwersa ng batas na kailangang sundin ng mga nagti-tinda sa merkado.  Ang kailangang gawin ng DTI ay puntahan ang mga ganid na supplier at ipakulong ang mapapatunayang nagbabagsak ng kanilang produkto sa mataas na presyo.

Ang mandato ng DTI na siguruhin ang kapakanan ng mga consumer ay sa papel lang umiiral.  Ang DTI ay halos walang tulong na nagagawa para pigilan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Parang sirang plaka na si Domingo sa paulit-ulit niyang mga pahayag hinggil sa usapin ng SRP. Makabubuti siguro kung mismo si Domingo na ang magpunta sa mga palengke at grocery para mapatunayan niya sa kanyang sarili na mali ang kanyang sinasabi na bumaba na ang presyo ng mga bilihin.

Pero kung ipagpipilitan pa rin ni Domingo na talagang bumaba na ang pres-yo ng bilihin, e, mas mabuti sigurong kay Domingo na tayo bumili ng baboy, manok, isda, tinapay at kape.

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

QCPD kinilalang No. 1 sa kagalingan vs kriminalidad sa NCR 

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAPAKAGANDA ng pasok ng Abril sa Quezon City Police District (QCPD). …

Dragon Lady Amor Virata

Ang political dynasty, bow
Magpinsan sa Las Piñas, hipag at bayaw sa Parañaque

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGULO, sabi ng mga Parañaqueños, hindi ang eleksiyon, kundi …

Firing Line Robert Roque

Indecent proposal

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. “…ANG mga solo parent na babae na nireregla pa, …

Sipat Mat Vicencio

DDS magpapauto ba kay Imee?

SIPATni Mat Vicencio DESPERADO na si Senator Imee Marcos kung kaya’t ang lahat ng pambobola …

Dragon Lady Amor Virata

Mga kandidato bawal sa graduation rites

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata NAGING kalakaran na tuwing sasapit ang graduation day ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *