IAANUNSIYO ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) ang muling pagsasahimpapawid ng mga laro ng men’s basketball sa ABS-CBN Sports sa Miyerkoles.
Gagawin ang contract signing ng NCAA at ABS-CBN sa turnover ceremony ng liga kung saan ipapasa ng College of St. Benilde sa Mapua Institute of Technology ang pagiging punong abala ng liga para sa Season 91 na lalarga na sa Hunyo.
Unang umere ang NCAA sa ABS-CBN Studio 23 mula 2001 hanggang 2011 nang lumipat ang liga sa TV5 para umano’y magkaroon ng mas magandang airtime.
Ngunit ilang mga opisyal ng NCAA ay hindi natuwa sa hindi pagpursigido ng Sports5 na i-promote ang liga lalo na mas inaasikaso ng istasyon ang PBA.
Tumagal ang NCAA ng tatlong taon sa Sports5.
Inaasahang ibabalik ng ABS-CBN ang mga estudyante bilang courtside reporter ng NCAA tulad ng ginagawa nito sa UAAP at babalik din bilang mga anchor ng liga sina Bill Velasco, Boyet Sison at Drei Felix.
Ang yumaong si Butch Maniego ay nag-kober din ng NCAA para sa ABS-CBN habang siya’y nagtrabaho bilang tournament director ng PBA D League.
(James Ty III)