Thursday , April 10 2025

Out na ba si Roxas sa president

00 pulis joeyITO ang itinatanong ngayon ng marami sa inyong lingkod.

Kasi nga tila nawala na raw si DILG Sec. Mar Roxas sa limelight o aksyon ng mga pumupormang kumandidatong presidente sa 2016 election.

Kaya naman dumadausdos pababa ang ratings niya sa mga survey sa presidentiables at maging sa pagka-bise presidente.

Noong medyo maingay si Sec. Roxas na tatakbong presidente, pagbaba ni PNoy sa 2016, ay pumapangalawa siya kay VP Jojo Binay sa mga survey.

Pero ngayong bumababa naman ang ratings ni Binay dahil sa mga lumalabas na katiwalian sa kanyang administrasyon noong alkalde siya ng Makati City, sa halip tumaas si Roxas ay bumabagsak din… at ang tumataas ang tahimik lang na si Senadora Grace Poe.

Kapag tinatanong si Roxas kung tatakbo ba talaga siyang presidente, ang laging sinasagot niya ay “malayo pa ang eleksiyon.” Magtatrabaho raw muna siya bilang Kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Sa mga post sa social media, negative ang laging “comments” kay Roxas.

Kung negative si Roxas sa mga gumagamit sa social media, how much more sa mga mas mababang level ng society, ‘yung mga hindi updated sa kanyang mga mabubutng ginagawa, at ang ginagawang basehan sa pagboto ang kasikatan ng isang kandidato?

Dapat, kung gusto ni Roxas na makabawi sa ratings, aba’y kailangan niya na ngayong mag-ingay. Ipagsigawan  niya na ang kanyang mga nagawa at gagawin pa habang siya’y nasa DILG.

Sino-sino ba ang may hawak kay Roxas at tila walang ginagawang diskarte para pabanguhin ang imahe ng kanilang amo? Tsk tsk tsk…

Para sa taga-Manila City Sanitary Division…

– Joey, pakiparating po sa mga taga-Sanitary sa Manila City Hall na dito po sa Paco Market, kanto ng Mindoro St., may mga small unsanitary carenderia dito. Makikita nila ‘pag nag-inspection sila ng mga itinitindang ulam na walang takip. Tapos pag may kumakain na customer nakaharap sa mga ulam na walang takip. Minsan kasi nang bumili ako ng ulam, pagkain ko sa bahay, may sahog na langaw, tsaka nalalagyan ng alikabok ang mga ulam. – 09496984…

Naniniwala ako rito dahil maraming beses na rin akong nakakain sa ganitong carenderia. Talagang may pagka-dugyot. Ang dapat kasing gawin nitong mga may-ari ng carenderia ay ilagay sa “aquarium” na may singawan ng init ang kanilang mga tindang ulam o kaya’y lagyan ng takip na transparent ang kanilang mga tinda kung ito’y naka-display sa mesa upang hindi langawin, matalsikan ng laway ng mga nagkukuwentohan at maalikabukan. Paki-check lang po, Manila Health Department.

Talamabentahan ng droga k sa mga kalye sa Sampaloc, Manila

– I-report ko lang po dito sa Sampaloc, Manila, sa mga kalye ng Cebu, Roxas at Panay corner Mindanao Avenue, ay talamak ang bentahan ng droga. Ang tulak po rito ay nagngangalang “Bombet”. – Concerned citizen

Problema ng mga dumadaan sa Jones Bridge, Binondo, Manila

– Sir, report namin at sana maaksiyunan itong problema ng mga dumadaan dito sa tulay ng Jones Bridge, malapit sa (nasunog) na Savory Restaurant sa Escolta, harap ng station ng tulog na mga pulis. Ang problema po kasi dyan, itong mga batang nagra-rugby ay hinaharang nila yung mga dumadaan lalo na yung nag-iisa at babae. Iniikutan nila. Kahit yung jeep hinahabol nila pag may makuha, talon lang sila ng ilog, tapos na. Hintayin pa po ba ng mga pulis dyan sa harapan lang  na may mapatay bago nila aksiyunan? Yung rugby ho nanggagaling dyan sa tinatawag nilang “Au Au” dyan sa gilid ng ilog. Matagal na ho akong nagtatrabaho rito kaya nakikita ko ang lahat ng nangyayari rito. – Concerned citizen

Paging MPD-PS 11 at DSW-Manila, paki-check ng ulat na ito. Aksyon!

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: venanciojoey@gmail.com

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

QCPD kinilalang No. 1 sa kagalingan vs kriminalidad sa NCR 

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAPAKAGANDA ng pasok ng Abril sa Quezon City Police District (QCPD). …

Dragon Lady Amor Virata

Ang political dynasty, bow
Magpinsan sa Las Piñas, hipag at bayaw sa Parañaque

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGULO, sabi ng mga Parañaqueños, hindi ang eleksiyon, kundi …

Firing Line Robert Roque

Indecent proposal

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. “…ANG mga solo parent na babae na nireregla pa, …

Sipat Mat Vicencio

DDS magpapauto ba kay Imee?

SIPATni Mat Vicencio DESPERADO na si Senator Imee Marcos kung kaya’t ang lahat ng pambobola …

Dragon Lady Amor Virata

Mga kandidato bawal sa graduation rites

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata NAGING kalakaran na tuwing sasapit ang graduation day ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *