Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angelo Ilagan, puwedeng ipantapat kay Coco

 

ni Alex Brosas

042715  Angelo Ilagan coco martin

MAGALING pala talaga si Angelo Ilagan at puwedeng-puwede siyang ipangtapat kay Coco Martin in terms of intensity in acting.

Napanood namin ang latest indie film ni Angelo, ang Alimuom ng Kahapon with DM Sevilla as his lover. Isang student activist na nakipagrelasyon sa isang young lifestyle photographer (DM) ang role ni Angelo. The movie is about the affairs of two bisexuals.

May sinasabi ang movie. It’s not just about the complex affair nina Angelo at DM. It’s also about socio-political issues like the annual tuition fee increase and the involvement of politicians in PDAF scandals.

It’s out first time to see Angelo and DM act pero napabilib nila kami, lalo na si Angelo na pam-best actor ang acting.

Natural na natural ang atake ni Angelo sa bawat eksena, he’s believable as a confused bisexual who’s turn between two lovers—isang bisexual na nagpaaral sa kanya at isang photographer-lover.

Bongga ang confrontation scene nina DM at Angelo. Walang nagpatalo sa kanila.

But of course, there was the expected sex scenes na maganda naman ang execution at hindi lumabas na malaswa. Yes, may butt exposure ang isang cast member, hulaan n’yo na lang kung sino.

Ang maganda sa movie, hindi mukhang call boy ang cast members. Walang mukhang mandurugas na sex workers or mga bayarang lalaki na mukhang boy.

 

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …