Wednesday , November 6 2024

Kanya kanyang ingay para i-rescue Si Mary Jane Veloso

00 pulis joeyANUMANG oras o araw ay maaring e-firing squad na ang Pinay convicted “drug courier” na si Mary Jane Veloso na tubong Nueva Ecija.

Noong 2010 pa naaresto ng mga awtoridad sa airport sa Indonesia si Veloso na may bitbit ng maleta na naglalaman ng heroin na umano’y lingid sa kanyang kaalaman.

Pinadala lamang daw sa kanya, ng kanyang recruirter na si Maria Kristina Sergio na kanyang kapitbahay sa Nueva Ecija ang naturang maleta mula dito sa Pilipinas.

Makaraang ang mahabang paglilitis, na hindi natin alam kung nabigyan ng sapat na tulong ng ating gobyerno mula sa simula nang siya’y maaresto, hinatulan ng bitay sa pamamagitan ng firing squad si Veloso. Dinala na nga ito sa “execution island” sa Central Java kamakalawa.

At tulad ng inaasahan, kanya-kanyang epal ngayon ang mga naghahangad maging presidente sa 2016. Kanya-kanya silang gawa ng paraan kuno para mailigtas sa firing squad si Veloso.

May nagsadya pa kamakalawa sa Indonesia para kausapin kuno ang presidente ng bansa.

May nagsabi na kailangang maglabas ng mga bagong testimonya para makumbinsi ang pangulo ng Indonesia na hindi maisalang sa kagyat na kamatayan ang Pinay.

Ang Department of Foreign Affairs (DFA) ay panay din ang press release na ginagawa raw nila ang lahat ng legal remedy para mailigtas si Veloso.

Okey ito.

Pero ang punto ko naman, bakit ngayon lang sila kumikilos kungsaan nakatakda nang bitayin ang ating kababayan?

Eh kung noong sa simula pa sana ay tinulungan na ng ating gobyerno, ng magagaling at maiingay nating mga politiko, si Veloso sa kanyang kinakaharap na kaso ay baka hindi umabot sa bitay ang parusa nito, kung biktima nga lang talaga siya ng mga sindikato sa droga.

Say nyo, mga igan?

Anyway, ang maipapayo ko nalang sa ating mga kababayang OFWs, huwag na basta magtiwala sa mga ipinadadala sa inyong mga bagahe (bag, maleta o supot) nang hindi nyo nakikita ang laman nito at baka mabiktima rin kayo ng drug syndicate tulad ni Mary Jane Veloso. Doble ingat lang po, our dear OFWs.

Salbaheng Facebook!

SHOCK ako kahapon ng umaga, sa aking paggising, nang buksan ko ang inbox ng aking celfone at Facebook ay puro pagbati ng “Happy birthday” ang aking mga nabasa. Napatingin tuloy ako sa kalendaryo, araw ng kapanganakan ko nga pala ngayon. Nakalimutan ko sa sobrang busy sa trabaho eh. Pati misis ko ay nagulat, birthday ko na raw pala. Hehehe…

Ang Facebook ang may sala ng lahat, kung bakit nabuking ang aking kaarawan. Automatic nitong inilalabas ang mga may birthday eh…

Anyway, maraming maraming salamat po… sa inyong mga pagbati. It’s priceless!!! Pero wala po akong handa e. Walang budget! Kasi natadtad ako ng solicitations ng mga piyesta sa mga bayan bayan at bara-barangay at mga aktibidades sa mga paaralan sa mga probinsiya. Mahirap rin pala pag sikat. Yabang lang po! Hehehe…

Magsimba nalang tayo ngayon… Thank you Lord!!!

 

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Apela ng seniors: Booklet tanggalin

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BIHIRANG-BIHIRA, kung nangyayari man, na nagsusulat ako ng pansariling …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy, hindi binigo ni Buslig laban sa kriminalidad sa QC

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANG umupo si P/Col. Melecio M. Buslig, Jr., bilang Director ng …

Sipat Mat Vicencio

Gabay ni Da King sa FPJ Panday Bayanihan Partylist

SIPATni Mat Vicencio NOONG nabubuhay pa si Fernando Poe, Jr., kaylan man ay hindi siya …

YANIG ni Bong Ramos

Walang kamatayang hearing sa House at Senate, meron bang nareresolba?

YANIGni Bong Ramos SUNOD-SUNOD at walang kamatayang hearing ang nagaganap sa Senate at House, ang …

QC-LGU, nakaiskor na naman – back-to-back pa

AKSYON AGADni Almar Danguilan WALA na yatang makatatalo o makadadaig sa Quezon City Local Government …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *