PINURI ng Malacañang ang NBI sa matagumpay na operasyon laban sa sindikato ng illegal drugs na gumagawa at nagbebenta ng “date rape drug” o liquid ecstacy sa Mandaluyong City.
Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, ang matagumpay na operasyon ng mga kagawad ng NBI ay bahagi ng pangkalahatang layunin ng pamahalaan na malansag ang iba’t ibang grupo at indibidwal na sangkot sa pagbebenta ng ilegal na droga sa bansa.
Ayon kay Coloma, patuloy na paiigtingin ng pamahalaan ang kampanya laban sa mga ipinagbabawal na gamot dahil nakapipinsala ito sa mga kabataan at sa mga mamamayan.
Bukod dito, nagdudulot din ng ligalig at takot sa mga mamamayan ang paggamit ng ilegal na droga sa ating mga komunidad.
Sa report ng PDEA, halos 90 porsiyento ng barangay sa buong bansa ay laganap na ang illegal drugs.