Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ginang patay sa tusok ng metal fence (Sa anti-drug raid)

???????????????????????????????????????

CEBU CITY – Nagmistulang barbecue ang isang ginang nang matusok ang katawan sa matulis na kabilya na ginawang metal fence sa gitna ng anti-drug raid sa Sitio Mahayay, Brgy. Calamba, Lungsod ng Cebu kamakalawa.

Kinilala ang namatay na si Maria Lisa Diaz, live-in partner ng suspek na target sa police operation.

Tumalon si Diaz mula sa bubong upang hindi mahuli ng mga pulis na nagsasagawa ng raid sa nasabing lugar.

Ayon kay City Intelligence Branch head Supt. Romeo Santander, nakapanlulumo ang sinapit ng ginang dahil natusok ang balakang niya ng kabilya at tumagos sa dibdib.

Aniya, pahirapan ang pagkuha sa katawan ng biktima dahil kinakailangan pang gamitan ng metal saw.

Umabot sa isang metro ang haba ng kabilya na nakabaon sa katawan ni Maria Lisa nang dinala sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival ng mg mga doktor.

Isinagawa ang naturang raid sa bahay ng biktima nang nagpositibo sa surveillance na nagtutulak ng shabu.

Nang nakapasok na ang mga awtoridad sa bahay ay nabulabog ang mga parokyano na naroroon.

Ang iba ay pumunta sa bubong kasama ang biktima.

Nabatid na may limang exit ang bahay kaya wala ni isa ang naaresto dahil mabilis tumakbo ang mga suspek.

Ang nasabing bahay na siyang drug den ay pangalawang beses nang na-raid ng pulisya at tanging nadatnan lang ang mga bulto-bultong shabu.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …