Saturday , January 4 2025

Mga pagbabago sa horse racing industry at ang D’BRADZ Music Bar

00 dead heatNASADYA kami ng bagong pangulo ng Press Photographers of the Philipines (PPP) na si Mr. Jun Mendoza ng Philippine Star sa tanggapan ng Philippine Racing Commission (Philiracom). Hinarap kami ni Executive Director III Andrew Rovie M. Buencamino at dito ay napag-usapan namin ang tungkol sa darating ng Charity Race ng Press Photograhers of the Philippines sa darating na buwan ng Mayo.

Sa bagong pamunuan ng Philracom sa pamumuno ni Chairman Andrew Sanchez ay maganda ang layunin ng Commission sa malaking pagbabago at ikagaganda ng karera sa mga darating na panahon.

Ipinaliwanag ni Director Buencamino na dapat itama ang maling sistema na umiiral ngayon sa tatlong karerahan dito sa ating bansa.

Isang halimbawa ang ginagawa ng isang hinete na bigla na lamang ito magdadahilan na “unfit to ride” sa kabayong kanyang sasakyan. Walang naririnig ang Bayang Karerista na dahilan kung bakit biglang unfit to ride itong hinete.

Ngayon raw ay sisikapin ng Commission na malaman ng Bayang Karerista kung ano talaga ang dahilan bakit ayaw sumakay ang isang hinete sa kanyang kabayo.

Papatawan ito ng kaukulang parusa kung “MABABAW” ang magiging dahilan nito.

Marami pang panukala na gagawin ang Philracom sa darating na panahon para sa ikagaganda ng Horse Racing Industry dito sa ating Bansa.

Ang Karera ng Kabayo ay isang magandang libangan o “SPORTS” kung ito ay ginagawa sa maayos na pamamaraan na may kinalaman dito.

oOo

D’BRADZ Music Bar & Restaurant ang bagong bukas sa ground floor ng Garden Plaza Hotel na makikita sa 1030 Belen st., corner General Luna, Paco, Manila.

Mapapanood ang mga aktuwal na takbuhan ng mga customers na mahilig tumaya sa karera ng kabayo dahil bawat VIP room ay mayroong TV monitor na may cable.

May regular live band dito na nagsisimula ng alas tres ng hapon hanggang alas tres ng madaling araw. May best Pilipino foods na may puwedeng orderin at ito ay napakasarap kainin.

Mga oldies but goodies ang maririnig na kinakanta ng live band dito. Sa function rooms ay puwede mag-singalong na may kasamang magandang mag-aasist sa iyo.

Ang D’BRADZ Music Bar & Restaurant ay pinamamahalaan nina Michael Brian Bacsafra, Kap.Elvis Patao, Sonny Angeles at Joanna Reboya at manager Jane Siagan.

oOo

BAYANG KARERSITA MALAPIT NA NINYO MAPANOOD ANG PAKARERA NG PRESS PHOTOGRAPHERS OF THE PHILIPPINES.

ABANGAN PO NINYO AT SUPORTAHAN PO NATIN!

 

ni Freddie M. Mañalac

 

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *