Tuesday , November 19 2024

Buhain at Muros: Inspirasyon sa Palaro

Kinalap ni Tracy Cabrera

041415 Elma Muros buhain

DALAWANG icon ng Philippine sports at model figure din na dumaan sa matinding pagbabago sa nakalipas na mga taon at gagamitin bilang inspirasyon para sa libo-libong kabataang atleta na lalahok sa 2015 edition ng Palarong Pambansa.

Ayon kay Davao del Norte governor Rodolfo Del Rosario, ang mga Olympian na sina Eric Buhain at Elma Muros-Posadas — dalawa sa pinakasikat na atleta ng bansa na umani ng napakaraming medalya at parangal—at ang football star na si Yannick Tuason ang magiging modelo ng mga kalahok sa Palaro.

“Sila ang tatlo sa pinaka-inspiring na mukhsa sa sports dito sa Pilipinas, at ang Palarong Pambansa ang pinakamainam na plataporma na ang kanilang iconic status ay makapagbibigay ng suporta sa dedikasyon at talent ng mga student-athletes sa Palarong Pambansa,” ani Del Rosario.

Ang Davao del Norte ang host ngayon 2015 edition ng school-based games, na sisimulan sa Mayo 3 sa Davao del Norte Sports Complex sa Tagum City.

Si Buhain ay naging pambato ng bansa sa swimming, na hinirang bilang Best Athlete ng 1991 Manila Southeast Asian Games habang si Muros-Posadas naman ay dating long jump queen at hurdles champion ng SEA Games, at tulad ni Buhain ay dating Athlete of the Year awardee.

Sa kabilang dako, si Tuason ay miyembro ng Philippine Azkals at naging bahagi ng national football team na nakamit ang 2010 Suzuki Cup.

“Kailanma’y hindi ko malilimot ang karanasan ko sa Palarong Pambansa,” pahayag ni Buhain. “Sa Palaro ko nagawang magtanghal sa malaking entablado, kasabay ang ibang magagagaling na atleta.”

“Ibang feeling na lumahok sa Palaro, at talagang very inspiring,” dagdag ng world class swimmer.

“Sa palaro ko natutunang magpursigi kaya lagi kong ginagawa ang lahat ng makakayanan ko para makapagbigay ng karangalan sa ating bansa,” punto naman ni Muros-Posadas.

Para naman kay Tuason, binansagan niya ang Palaro bilang isaang ‘level playing field.’

“Sa Palaro mo makakalaban ang the best at brightest, kahit saan ka pa nanggaling,” aniya.

 

About hataw tabloid

Check Also

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *