Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bagong komisyuner ng PBA malalaman sa Mayo

020415 PBAni James Ty III

INAASAHANG malalaman na sa susunod na buwan kung sino ang magiging bagong komisyuner ng Philippine Basketball Association.

Sinigurado ito ng kasalukuyang komisyuner ng liga na si Atty. Chito Salud sa press conference ng PBA noong Huwebes ng gabi sa press room ng Smart Araneta Coliseum bago ang Game 3 ng semifinals ng Commissioner’s Cup.

Anim na kandidato na lang ang natitira para sa puwestong iiwanan ni Salud sa pagtatapos ng season habang siya ay magiging pangulo at chief executive officer ng liga.

Ang anim na kandidato ay sina PBA operations chief Rickie Santos, sportscaster at abugadong si Charlie Cuna, ang tserman ng NAASCU na si Jay Adalem, dating manlalaro ng Ginebra at komisyuner ng Filsports Basketball Association na si Vince Hizon, Danny Seigle ng Talk n Text at dating opisyal ng NBA Asia na si Mark Fisher.

“May 15 at the latest will be the date on who will take my place,” wika ni Salud. “These six gentlemen are highly qualified individuals and were chosen from an original list of 18. There were some coaches and board governors who applied for the post.”

Mula sa anim ay babawasan ito sa tatlo at ang tatlong maiiwan ay sasalang sa mga panayam mula sa miyembro ng PBA board of governors bago tuluyang mapili kung sino ang papalit nga kay Salud.

Idinipensa naman ng pinuno ng Global Executive Solutions Group na si Ray Canilao ang pagsali ni Seigle sa listahan kahit naglalaro pa rin siya hanggang ngayon.

“The exposure of Danny in the last 16 years is really grassroots. He understands the PBA like anything – the strengths, weaknesses and opportunities as far as the PBA is concerned,”ani Canilao. “He is a potential candidate because he also loves basketball like anything.”

Ang GESG ay isang headhunting firm na kinuha ng PBA Selection Committee sa pangunguna nina tserman Patrick Gregorio, Rene Pardo at Atty. Mamerto Mondragon upang manguna sa pagpili sa bagong komisyuner.

Unang magsisilbi bilang deputy commissioner ang mapipili ng komite.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …