Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mag-ate nagkagatan nagputulan ng tenga (Dahil sa 62-anyos DOM)

FRONT

NAPUTOL ang tenga ng magkapatid makaraan magkagatan dahil sa agawan sa 62-anyos dirty old man (DOM) sa Oton, Iloilo kamakalawa.

Ayon sa pulisya, sinugod ni Kemme Salmon, 36-anyos, sa Oton Public Market ang nakababatang kapatid na si Elsie Marsilo, 34, dahil sa pagsulot sa kanyang dating nobyo.

Iniuntog ni Kemme ang ulo ng kapatid sa semento bago kinagat ang kanang tenga ng kapatid. Ngunit gumanti si Elsie na kinagat sa kaliwang tenga ang kanyang ate.

Parehas putol ang tenga ng mag-utol at kapwa ginagamot sa Oton Municipal Health Center.

Ugat ng away ng magkapatid ang 62-anyos na si Cornelio Clavel, dating nobyo ni Kemme. Depensa ni Elsie, magkaibigan lamang sila ng lalaki. May kanya-kanyang asawa at pamilya ang magkapatid, maging si Clavel.

Isasailalim sa counselling ng Oton Municipal Social Welfare and Development Office ang magkapatid para resolbahin ang kanilang gusot.

 

HATAW News Team

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …