Saturday , March 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

PLDT Home Telpad, bagong tahanan ng Disney

031915 pldt telpad Disney Gary Dujali

00 SHOWBIZ ms mNAKATUTUWA ang bagong venture ng PLDT Home Telpad dahil sila na ang bagong bahay ng Disney o sila ang official digital hub para sa mga Disney Interactive.

Sa tulad kong mahilig sa mga Disney character at palabras mula sa Disney, nakare-relate ako sa bagong proyektong ito ng PLDT Home Telpad, ang una at natatanging landline, tablet at broadband in one.

Sa pagsasama ng PLDT Home Telpad at Disney, may pagkakataon na ang mga subscriber nito para sa extensive array ng digital content na nagtatampok sa mga well-loved Disney stories.

Hindi lang ‘yan, ayon nga kay Mr. Gary Dujali, PLDT vice president and head of home marketing, mas mag-eenjoy na ang mga bata gayundin ang mga kids at heart dahil may pagkakataon na silang ma-explore ang exciting digital worlds ng Cinderella, Queen Elsa, Mickey Mouse, The Avengers, Luke Skywalkers at iba pang Disney favorites.

Bukod dito, may mga game pa na maaaring pagsaluhan ang pamilya at mga kaibigan tulad ng mga larong tulad ng Frozen Free Fall at Toy Story Smash It! Madaling makukuha ito sa Disney widget.

May mga istorya ring maaaring mabasa mula sa interactive e-books ng Telpad.

May maganda ring balita ang PLDT sa mga subscriber na magpapa-upgrade, makakukuha sila ng limited edition Disney-themed skin sa kanilang Telpad mula sa DIY application kit. Makapipili sila mula sa Mickey Mouse, Cinderella, at The Avengers skin.

Nakita namin ang Disney themed skin na ito at talagang kumuha kami ng sample na Mickey Mouse bilang paborito namin ito at maganda. At kahit sina Danica Sotto-Pingris at LJ Moreno-Alapag ay nagsabing malaking bagay ang nagawa sa kanilang mga anak at pamilya ng PLDT Home Telpad para ma-entertain sila habang nasa bahay.

“Favorite bonding activity naming ngayon ang maglaro ng games sa Telpad,” ani Danica. “Confident kami ni Marc that the kids are plaing with kid-firnedly and educational games so we’re really glad that there’s Disney on Telpad.”

“If there’s one thing that kids around the world have in common, it’s a love for Disney, Marvel, Pixar and Star Wards stories,” sambit naman ni Ariel Fermin, PLDT executive vice president and head of home business. ”Disney’s suite of interactive and family-friendly content is an ideal fit for the PLDT Home Telpad, which is the centerpiece of the digitally connected Filipino home.”

Kasabay ng naging paglulunsad ng Telpad Disney ay ang celebrity screening ng Cinderella na ginawa sa Cineplex Shangri-La mall na maraming kids ang natuwa at nag-enjoy.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …

Klea Pineda Janella Salvador property

Janella, Klea bumili ng property

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI pa malinaw ang tunay na estado ng relasyon nina Klea Pineda at Janella …

Zanjoe Marudo Angelica Panganiban Bea Alonzo Vincent Co The Silent Noise

Zanjoe nagulat, masaya sa kasalang Bea-Vincent; Role sa The Silent Noise mahirap palampasin 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IKINAGULAT subalit masaya ang aktor na si Zanjoe Marudo sa nakatakdang pagpapakasal ng …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …