Monday , November 18 2024

Karera Station Association of the Phils. Inc (KASAPI) at ang KABAKA foundation

00 dead heatNAGKAROON ng general meeting ang OTBSAPI at KASAPI at ito ay dinaluhan ng mga opisyales at miyembro ng dalawang asosasyon na ginanap sa PRCI bldg., Pasong Tamo, Makati City.

Napagkasunduan nina OTBSAPI Chairman Angel Rivera at Presidente Nicson L. Cruz ng Karera Station Association of the Philippines., Inc (KASAPI) na gawin na lang isang pangalan ang kanilang asosasyon.

Napagkasunduan sa nasabing general meeting na ang KASAPI ang magiging opisyal na pangalan ng asosasyon.

Ang mga opisyal ng KASAPI, Chairman- Angel Rivera, President- Nicson L. Cruz, Vice President-Jojo Bayani, Treasurer-Rene Lazo, Auditor-Jun Azardon, Secretary-Peter Sabido, Executive Secretary-Rizza Balingit, General Manager-Lorenzo Cabiol, Directors-Remedios Dayrit, Chary Bonus, Pol Natividad at Raymond Legaspi.

Dumalo ang mga may-ari ng mga Off-Track Betting Stations (OTBs) sa nasabing pagpupulong.

Nagpapasalamat ang mga opisyales at miyembro ng KASAPI sa mga opisyal ng Philippine Racing Club, Inc. sa pahintulot na maging venue ang kanilang lugar para sa general meeting.

Magkakaroon ng unang pakarera ang KASAPI na hahataw sa karerahan ng Santa Ana Park, Naic, Cavite. Ito ang racing festival na aarangkada sa Marso 21, 2015 araw ng Sabado.

SUPORTAHAN PO NATIN ITO BAYANG KARERISTA.

oOo

Sobra daw hirap tumama sa karera noong nakaraang linggo, Marso 15, 2015 sa ginanap ng 8th “Manila Horse Power Org. Racing Festival sa karerahan ng San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Halos puro dehado o “Mga Multong Kabayo” ang mga nanalong kabayo. Ilan dito ay hindi naka-tip sa mga programa ng karera.

Ang naging resulta ng karera ay nagdulot ng DALAWANG Carry Over sa Winner Take All (WTA) sa First WTA at Third WTA.

Kahit ganoong ang naging resulta ng karera ay marami pa rin ang masaya tulad ng sota, winning groom, winning trainer at exercise rider na tumanggap ng pabuya. May raffle din para sa Bayang Karerista.

Nagpakita ng GILAS ang anim na RACE CALLER ng tatlong Karerahan dito sa ating bansa. Walang tulak kabigin ang kani-kanilang galing sa pagtawag ng mga karera na narinig ng Bayang karerista.

CONGRATS SA MANILA HORSEPOWER ORG!

oOo

Pinanumpa ni Manila 5th District Congressman at Chairman ng KABAKA Amado S. Bagatsing ang mga bagong KABAKA Chapter President at Members sa 2nd district, Solis, Tondo, Manila at 6th district, Punta, Manila.

Ayon kay Congressman Bagatsing ang lahat na naging opisyal, at malapit na kamag-anak ng miyembro ay makakatanggap ng tulong mula sa KABAKA FOUNDATION.

Libre kunsultasyon at libre gamot ang kanilang matatanggap at marami pang benepisyo ang naghihintay sa kanila sa darating na panahon.

 

ni FREDDIE M.

MAÑALAC

About hataw tabloid

Check Also

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *