Sunday , December 22 2024

Bulacan isinailalim sa Comelec (Tensiyon umiigting)

031615 comelec bulacan

SINAILALIM ng grupong Philippine Crusader for Justice (PCJ) sa kontrol ng Commission on Election ang buong probinsya ng Bulacan.

Kasunod ito ng umiigting na tensyon bunsod ng umano’y walang basehang tangkang pagpigil ng isang judge sa pagsisimula ng malayang proseso para sa recall election sa naturang lalawigan.

Nangangamba si Joe Villanueva convenor ng PCJ na posibleng mauwi sa karahasan ang umano’y pananakot sa mga ordinaryong mamamayan na kabilang sa 319,707 registered voters na lumagda sa recall petition laban kay Gov. Wilhelmino Sy-Alvarado. Ayon kay Villanueva natatakot na umano ang mahihirap na Bulakenyo na lumagda sa petisyon dahil mayroon umanong kilalang tauhan ang gobernador na sapilitan silang pinagrereklamo para palabasing hindi nila pirma ang lagda sa petisyon kapalit ng P1,000 at iba pang pabor sa kapitolyo.

Pinaiimbestigahan din ni Villanueva sa Malakanyang ang ginagawang pananakot ng umano’y mga empleyado ng Kapitolyo sa mga benepisyaryo sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps na umanoy puputulin ang natatanggap na ayuda kapag di binawi ang pinirmahang recall petition.

Dahil sa takot na madamay sa hidwaang-politika sinabi ni Villanueva na takot na rin ang mga guro na magsilbi bilang Election Officers sa 107 Comelec Validation Centers na nasa 21 munisipyo at 3 siyudad.

Batay sa impormasyong nakalap ng PCJ ilang mga guro umano ang hindi makita sa Bulacan matapos gastusan ni Gov. Alvarado ang pagpunta sa out-of-town trip sa Baguio City para maitago sa dapat sana ay unang araw ng verification process noong March 9, 2015.

Sa ilalim ng Omnibus Election Code, tanging ang mga EO at volunteer teachers lamang ang pinapayagang mangasiwa sa mga CVC sa panahon ng recall election.

Giit ni Villanueva kung sasailalim sa COMELEC control ang lalawigan mapapanatili ang ka-ayusan sa isasagawang verification process na isang mahalagang bahagi ng recall procedure na nakasaad sa Comelec Resolution 7505.

Una nang inireklamo ni petitioner Perlita Mendoza sa COMELEC noong araw ng Lunes (Marso 9, 2015) ng indirect contempt para maparusahan sina Alvarado at Judge Guillermo Agloro dahil sa pagbalewala sa Konstitusyon nang maglabas ng last minute temporary restraining order (TRO) ang Bulacan Regional Trial Court-Branch 83 na sumasalungat sa kautusan ng Korte Suprema na inilabas naman noong nakalipas na Pebrero 16.

Diringgin sa punong-tanggapan ng COMELEC sa Maynila ang reklamo laban kay Judge Agloro sa darating na Marso 25, 2015.

Muling iginiit ng PCJ na walang hurisdiksyon at kapangyarihan ang lower court na makialam sa anomang proseso ng halalan kundi ang COMELEC lamang na una nang naglabas ng direktiba na may sapat na batayan para ituloy ang recall election sa lalawigan ng Bulacan.

Katunayan ayon kay Villanueva ibinasura na ng COMELEC en banc ang TRO na una nang inilabas ni Judge Agloro kaya’t ngayon pa lamang ay mahigpit na ang ginagawang pagbabantay ng Justice watchdog group na PCJ para tiyaking walang magaganap na karahasan sa nakatakdang pagsisimula ng verification process na gaganapin mula Marso 14 hanggang Marso 28, 2015 bago ang gaganaping eleksiyon na kailangang maganap bago ang Mayo 9, 2015. (BS)

 

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *