Friday , December 27 2024

Bagong BPLO chief sa Las Piñas City “papel de hapon” lang ba sa admin ni Mayor Nene Aguilar?!

00 Bulabugin jerry yap jsyMUKHANG nasasayang lang umano ang ipinasusuweldo ng local government unit (LGU) ng Las Piñas City sa bagong hepe ng Bureau of Permits and Licensing Office (BPLO) na si Atty. Glenda Lucena.

‘E kasi naman para lang umanong flower vase si Atty. Glenda. ‘Yan ay ayon mismo sa ilang empleyado ng Las Piñas city hall.

Hindi rin naman daw siya talaga nagpa-function as BPLO chief dahil mayroon talagang tunay na ‘powerful’ at siyang nagpapasya kung sino ang sasakalin ‘este’ aaprubahan sa mga aplikanteng gustong magnegosyo sa Las Piñas.

Mukhang maging si Mayor Vergel “Nene” Aguilar ‘e napaikot ng isang ‘very powerful’ at ‘influential’ sa kanyang administrasyon kaya kahit nasibak na ang dating BPLO chief na sinabing sangkot sa pambubukol ‘este katiwalian ay namumunini pa rin ang dating sistema sa nasabing tanggapan.

Ayon sa mga investor at lokal na negosyanteng kumukuha ng puwesto sa Las Piñas, ang kanilang aplikasyon ay dumaraan sa isang BESS MASANGKAY at siya ang nagtatakda kung magkano ang babayaran nilang BUSINESS TAX.

Kung hindi tayo nagkakamali si Ms. Bess Masangkay ay nakatatandang kapatid ni Mayor Nene na natalong Mayor sa Muntinlupa City.

What the fact!?

Kaya kahit anong pagsisikap umano ni Atty. Glenda na ayusin ang sistema sa BPLO ‘e hindi niya maipatupad nang husto dahil nga mayroong mas makapangyarihan sa kanya kahit siya ang hepe.

Isang negosyante rin ang nakapagbulong sa atin na hindi kukulangin sa P1 milyon ang hinihinging ‘business tax’ as in ‘goodwill money’ para makakuha ng puwesto sa palengke d’yan sa Las Piñas City.

Tsk tsk tsk…totoo ba ‘yan Mayor Nene Aguilar?

‘E ano pang ginagawa ni Atty. Glenda sa BPLO kung si Madam Bess Masangkay naman ang tunay na ‘bossing’ at kumukumpas diyan?’

Pakiklaro na nga po, Mayor Nene Aguilar!

AIRPORT POLICE-LRS NAGPALIWANAG SA KASO NG UMANO’Y BINUGBOG NA BUILDING ATTENDANT

KUNG natatandaan po ninyo, naikolum natin ang tungkol sa umano’y pambubugbog umano sa isang ‘pobreng’ building attendant ng ilang kagawad ng Airport Police Department (APD) na nakatalaga sa Light Reaction Security (LRS).

Sa impormasyon na nakalap ng Bulabog boys natin sa NAIA at mula mismo sa bibig ng mga kasamahan ng biktima, ‘kinalawit’ umano ng mga miyembro ng APD-LRS si BA Bero sa Arrival Curbside ng NAIA Terminal 1 isang araw ng Sabado (Jan 3) ng umaga.

Ang mga BA ay service provider doing dirty jobs at the airport wearing red shirts. Ang dahilan kung bakit ‘dinakma’ si BA Bero ay inakusahan umano na ‘namamasahero’ sa lugar kung saan siya inaresto.

Nagpaliwanag sa inyong lingkod ang mga kagawad ng APD LRS na HINDI totoong sinaktan nila si BA Bero.

Si Bero ay ini-rescue ni Mr. Ronald Rellama, ang group leader ng BA Outside Area sa APD-LRS Headquarters na matatagpuan sa ilalim ng Arrival/Departure Fly-Over.

Pero ipinagtaka natin kung bakit siya ‘sinibak’ sa kanyang trabaho.

Kaya naman ang ginawa natin ay nagtanong-tanong tayo sa NAIA at natuklasan natin na si Bero ay may bad history ng pang-aabuso.

Si Bero ay natuklasan nating pasaway at abusado. Ang kanyang paulit-ulit na pang-aabuso ay ilang beses nang pinuna pero hindi nagbabago ang tigas ng kanyang ulo.

Natuklasan natin na kahit naka-duty si Barog ‘este Bero, siya ay ‘namamasahero’ at mas madalas ay ‘nanghihingi’ sa mga pasahero.

SONABAGAN!!!

Kaya naman pala gumamit pa ng sino-sinong tao para makaganti sa APD-LRS pero mabuti na lang at nasa tamang wisyo ang mga airport police na humuli sa kanya.

Sa mga airport pulis-LRS na ‘napitik’ natin at bumaba ang moral, humihingi po tayo ng paumanhin. Tao lang po…

DMIA SA ANGELES, PAMPANGA, SALYAHAN NG MGA OVERSTAYING CHINESE NATIONALS AT TOURIST WORKERS

Mula sa isang terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City, bigla raw nalipat sa Diosdado Macapagal International Airport (DMIA) ang raket ng mga ‘salyahero’ ng mga overstaying na Chinese nationals at tourist workers.

Kung hindi tayo nagkakamali, dating isinasalya ang mga overstaying Chinese nationals sa NAIA terminal 2.

Katunayan ilang Chinese nationals din ang nabisto riyan at mayroon silang itinuturong ilang personahe na siyang nagpa-facilitate ng kanilang mga dokumento at biyahe.

Kapag nahuli kasi ang isang Chinese nationals na overstaying magmumulta at ipade-deport sila hanggang i-ban sa pagpasok sa bansa o magiging Blacklisted.

Para hindi mangyari ito, mas makabubuti sa kanila na bumalik sa kanilang pinanggalingan at ‘yan ay may katapat na malaking halaga ng pitsa.

Marami na rin daw ‘suki’ ang ilang travel at recruitment agency na nagpapaalis ng tourist workers diyan sa DMIA.

Kung hindi tayo nagkakamali, ini-assign ni Immigration Comm. Fred Miswa ‘este’ Mison si dating BI spokesperson Ms. Maan Pedro diyan sa DMIA para maging ayes and ears n’ya.

‘E bakit nakalulusot pa ang mga raket na kagaya nito?!

Itanong na lang natin kay alias ‘KABAYO’?!

BILIB AT MAHAL SI MAYOR FRED LIM

GOOD morning sir Jerry tama po ung desisyon ni Mayor Lim, na ‘wag n lng umapela sa hndi pagkaka disqualify ni erap. Una po, hindi patas ang Supreme Court. Pangalawa hindi ginaya ni Mayor Lim ung style ni erap na magpagalaw ng pera hwag lang maalis sa pwesto… paabot q lng po kay Mayor Lim, na kahit ganun ang nangyari, buong-buo pa rin ang suporta nmin sa kanya. Tutal ilang tulog na lang po ay 2016 na. Doon n lng po namin ipadarama kay Mayor Lim ang pagmamahal namin sa kanya. Maraming salamat po. sir Jerry. #+63920556 – – – –

NOON PA DAPAT KUMILOS SI DILG SEC. MAR ROXAS

GOOD am sir dapat noon pa ito ginagawa n DILG Sec. Mar Roxas, in my obserbesyon marami talaga ang mga pulis n hindi epektibo (tamad at switik) or dahil din sa maling systema may mga pulis n nakapwesto s mga mall or sa malaking mga establishment may mesa p cla nakaupo nagkkwentohan at nagttext ganyan ba ang nagbabantay? Ang sarap ng buhay nla paano nla mahahadlangan ang mga masamang gawain ng mga masasamang element? Pagdating ng gabi nasaan ang mga pulis at ang masaklap marami sa kanila ang sangkot sa illegal na droga. Gud day & God bless po. #+63930156 – – – –

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *