Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Totoy naligis ng tren patay, 1 pa kritikal

103014 PNRPATAY ang isang 12 anyos batang lalaki at krtikal ang isa pa makaraan mahagip nang rumaragasang tren habang naglalaro sa Paco, Maynila kahapon.

Lasog ang katawan ng biktimang si Boboy Balan, nakatira sa tabing riles, hindi na umabot nang buhay sa Philipines General Hospital.

Habang si Stephano Fernandez, 13-anyos, residente ng Brgy. 800, Zone 87, sa Paco, ay kritikal ang kalagayan sa nabanggit na ospital.

Sa ulat ng pulisya, dakong 2:10 p.m. nang maganap ang insidente sa riles ng tren , ilang hakbang mula sa panulukan ng Osmeña Highway at Pres. Quirino Avenue sa Paco.

Batay sa salaysay ng mga tambay sa lugar, mabilis ang takbo ng tren at hindi bumusina, bukod sa lumihis pa ng daan.

Imbes pa-southbound na railway ang daanan, ay dumaan ang tren sa riles na northbound kaya nasagasaan ang mga biktima.

Ang mga tao sa lugar ay sanay na kung saan daraan ang tren kaya nagulat sila nang biglang nag-iba ng salida o daan patungo sa Tutuban.

Patuloy ang imbestigasyon ang pulisya hinggil sa insidente.

Leonard Basilio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …