Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pacquiao kasali sa PBA All-Star weekend

ni James Ty III

021915 pacman kia

LALARO ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao para sa Rookies kontra Sophomores sa isang exhibition game sa unang araw ng PBA All-Star Weekend sa Marso 6 sa Puerto Princesa, Palawan.

Makakasama ni Pacquiao sa Rookies sina Stanley Pringle, Kevin Alas, Ronald Pascual, Jake Pascual at Matt Ganuelas Rosser.

Ang Sophomores naman ay pangungunahan nina Justin Melton at Terrence Romeo na lalaro para sa North sa All-Star Game sa Marso 8.

Si Pringle naman ay kasama sa South All-Stars.

Sa slam dunk contest ay lalarga ang co-champions noong isang taon na sina Melton at Rey Guevarra at makakalaban nila sina KG Canaleta, Chris Ellis, Calvin Abueva at Japeth Aguilar.

Tatangkain naman ni Mark Macapagal na maidepensa ang kanyang titulo sa three-point shootout kalaban nina Chris Tiu, James Yap at Dondon Hontiveros samantalang sasabak ang defending champion na si Mark Barroca sa Obstacle Challenge kalaban naman nina Jonas Villanueva, LA Tenorio at Jayson Castro.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …