Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lanao Del Norte vice mayor nagbaril sa sarili (Pinasasagot ng Ombudsman)

FRONTCAGAYAN DE ORO CITY – Bunsod nang sobrang pagkabalisa at kalungkutan, nagbaril sa sarili ang isang  bise-mayor mula sa bayan ng Maigo, Lanao del Norte kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Elmer Ramos, nasa pangalawang termino na sana bilang vice mayor sa kanilang bayan.

Inihayag ni Lanao del Norte Provincial Police Office director, Senior Supt. Madid Paitao, batay sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, maaaring nag-suicide ang biktima dahil walang indikasyon na nag-struggle siya bago natagpuang patay sa kanyang kuwarto.

Tinamaan ang biktima ng isang bala sa kaliwang bahagi ng ulo at tumagos ito. 

Narekober sa crime scene ang fired cartridge ng kalibre .45 at maging ang ginamit na baril.

Salaysay ng opisyal, pinasasagot ang biktima ng Ombudsman ukol sa kasong isinampa ng isang dating barangay kapitan na kanyang tinanggal sa puwesto ilang taon na ang nakalilipas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Miro Quimbo Bojie Dy

Liderato ng Kamara pabor more power kay PBBM vs pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng suporta si Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III sa layunin …

Kamara, Congress, money

Ika-tatlo at ika-apat na impeachment complaint “sufficient in form”

ni Gerry Baldo IDINEKLARANG sufficient in form ng House Committee on Justice ang ikatlo at …

Israel Iran War

Sa Tel Aviv, Israel
OFW PATAY SA AIRSTRIKE

KINOMPIRMA ng Philippine Embassy sa Israel ang pagpanaw ng isang babaeng overseas Filipino worker (OFW) …

POLPHIL Ric Serrano Danilo Lim Elmer Argano

Provincial rate ibasura
Pantay na sahod para sa pantay na trabaho isabansa – POLPHIL

IPINAHAYAG ng People’s Progressive Humanist Liberal Party (POLPHIL) ang buo at walang pasubaling suporta sa …

DOST 12 SOCCSKSARGEN iHubs

DOST Strengthens Regional Startup Ecosystem Through the Rollout of iHubs Across SOCCSKSARGEN

AS part of its continuing efforts to strengthen the startup ecosystem across the country, the …