Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Torre, Bersamina, Suede tumanggap ng parangal sa PSA

ni ARABELA PRINCESS DAWA

021715 Torre Bersamina Suede Chess PSA

TATLONG woodpushers ang kinilala sa naganap na Philippine Sportswriters Association Annual Awards Night hatid ng MILO at San Miguel Corp sa 1Esplanade sa Pasay.

Ang mga pinarangalan sa nasabing formal affair na inisponsoran ng Meralco, Smart at MVP Sports Foundation, Inc. at ang Philippine Sports Commission ay sina Asia’s first Grandmaster Eugene Torre, International Master Paulo Bersamina, Mikee Charlene Suede.

Nalista sa Hall of Fame si 63-year old Torre na naging idolo ng mga chess players sa Pilipinas.

Si 16-year old Bersamina ay nakasama sa Milo Junior Athletes of the Year dahil sa pagkakapanalo niya sa U-20 event sa 15th Asean Age Group Chess Championships kung saan ay nakuha niya ang International Master title.

Dahil naman sa mga ipinakitang husay ni Suede sa mga international competitions nitong nakaraang taon ay nakatanggap din siya ng Major award galing sa pinakamatandang organisasyon ng media sa bansa.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

NCRAA Pato Gregorio Buddy Encarnado

DLSU-Dasmariñas, U-Luzon panalo sa pagbubukas ng NCRAA Season 32

DASMARIÑAS, CAVITE — MAGKASALO sa spotlight ang DLSU-Dasmariñas at University of Luzon matapos kapwa magwagi …

PSC BCDA John Hay Sports Center Baguio

PSC, BCDA nagtulungan upang gawing pangunahing sentro ng sports tourism ang John Hay sa Baguio

BAGUIO CITY — ISANG bagong yugto sa pag-unlad ng palakasan sa Pilipinas ang nagsimula sa …

Sam Kerr Football

Sa AFC Women’s Asian Cup
Matildas tinalo ang Filipinas sa goal ni Kerr

Burswood, Perth — ANG nagbabalik na star striker na si Sam Kerr ang umiskor ng …

Arbois Hallasgo Tokyo Marathon

Arbois, Hallasgo kumikig sa Tokyo Marathon; SEA Games record binura

MISTULANG patunay sa matikas na pagbabago ang pamosong Tokyo Marathon nang kapwa umukit ng gintong …

AFC Womens Asian Cup 2026

Filipinas vs. Australia: Pambungad na Laban sa AFC Women’s Asian Cup 2026

PERTH, Australia — NAKASANAYAN na ng Philippine national women’s football team ang maaraw, maaliwalas, at …