ni ARABELA PRINCESS DAWA
NAGPAKITANG-GILAS sa mga stakes races si star jockey Jonathan “Uno” Hernadez habang kinopo ni Kid Molave ang tatlong legs ng Triple Crown Series kaya naman pararangalan sila sa magaganap na PSA Awards Night bukas ng gabi sa 1 Esplanade sa Pasay City.
Mga stakes races na malalaki ang naipanalo ni class A jockey Hernandez kasama na rito nang igiya niya si Hagdang Bato noong Disyembre sa naganap na 2014 Presidential Gold Cup.
Pangalawang beses nang ginabayan ni Hernandez sa panalo sa nasabing prestihiyosong karera ng mga kabayo at una niyang napagkampeon si Hagdang Bato ay noong 2012 PGC race bago natalo noong 2013 kay Pugad Lawin.
Hindi naman nakaligtas sa mga mata ng grupo ng mga sportswriters ang ipinakitang tikas nito sa tatlong legs ng TC kaya tatanggap din si Kid Molave ng citation.
May nahablot na P5.4-million ang kinita ni Kid Molave matapos ibulsa ang tatlong P1.8-million na first prize kada leg kasama ang bonus na P500,000 dahil sa pagkaka-sweep ng serye.
Si Incheon Asian Games gold medal winner Daniel Caluag ang PSA Athlete of the Year sa nasabing event na kaakibat ng Meralco, Smart, at MVP Sports Foundation bilang principal sponsors at Philippine Sports Commission bilang major sponsor.
Samantala, si Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richie Garcia ang magsisilbing special guest speaker.