Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Liberian nat’l nalambat sa buy-bust

080614 drugs shabu arrestHINDI nakaporma ang isang Liberian national nang masakote ng mga kagawad ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa buy-bust operation sa lalawigan ng Pampanga kamakalawa.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo Cacdac, Jr., ang suspek na si Izo Noble, 35, nakatira sa Camp Johnson Rd., Monrovia, Liberia, at kasalukuyang naninirahan sa Don Rosario Street, Angeles City, ng naturang probinsya.

Ayon sa ulat, naki-pagtransakyon ang ahente ng PDEA sa suspek at napagkasunduan mag-aabutan sa Mc Arthur Highway, Brgy. Dau, Mabalacat City.

Nang iabot ng suspek ang isang medium size plastic sachet na hinihinalang naglalaman ng 98 gramong shabu sa ahente ng PDEA, ay agad siyang dinamba ng mga operatiba.

Jethro Sinocruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Tondo Riot

Sangkot sa riot sa Tondo, 9 kabataan dinampot

NASAKOTE ng mga awtoridad ang siyam na menor de edad at isang 18-anyos suspek, matapos …

Dead Road Accident

Lady rider patay sa trailer truck

AGAD binawian ng buhay ang isang 58-anyos babaeng rider matapos magulungan ng trailer truck ang …

cal 38 revolver gun

Sa Cubao, QC
Kelot timbog sa bogang ibinongga

ARESTADO ang isang lalaki nang magresponde ang mga awtoridad sa sumbong ng Unified 911 na …

Miro Quimbo Bojie Dy

Liderato ng Kamara pabor more power kay PBBM vs pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng suporta si Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III sa layunin …

Kamara, Congress, money

Ika-tatlo at ika-apat na impeachment complaint “sufficient in form”

ni Gerry Baldo IDINEKLARANG sufficient in form ng House Committee on Justice ang ikatlo at …