Friday , November 15 2024

SAF commandos sinadyang patayin ng MILF — Espina

FRONTHUMIHINGI ng paliwanag sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) si PNP officer-in-charge Leonardo Espina hinggil sa “overkill” sa 44 Special Action Forces (SAF) members sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.

Inihirit ito ni Espina sa Senate hearing nitong Lunes hinggil sa madugong enkwentro ng SAF commandos sa mga miyembro ng MILF at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) habang tinatarget ang mga teroristang sina Zulkifli bin Hir alyas Marwan at Basit Usman.

“We seek for clear answers for the other party of the peace process… 44 of my men from the Special Action Forces were killed in a brutal and merciless fashion.”

Tinawag niya itong “overkill” dahil sa paraan ng pagpaslang sa Fallen 44.

“Almost all were shot at close range in their heads, with high-powered rifles to see to it that they were dead. They were stripped off their uniforms, clothes, firearms and personal belongings and cellphones, even telling the wives of my men, ‘patay na ang asawa mo, ‘wag ka nang tumawag.’”

Sabi ni Espina, batay sa mga salaysay ng mga nakaligtas at  mga opisyal na nanggaling sa enkwentro pawang mga miyembro ng MILF ang pumaslang sa pwersa ng SAF.

Binanggit ni Espina na hindi maikakailang mga miyembro ng pulisya ang kanyang mga tauhan dahil sa suot nilang uniporme nang sumabak sa bakbakan.

Nanindigan ang PNP OIC na bagama’t suportado pa rin nila ang peace process ay dapat mapanagot ang pumaslang sa kanyang mga tauhan.

Reward sa Fallen 44 ikinakasa sa Kamara

MAGHAHAIN ng resolusyon si Quezon City Rep. Winnie Castelo para ipanawagan sa gobyerno at sa Estados Unidos na bahaginan din ng pabuya ang pamilya ng “Fallen 44 Heroes.”

Ayon sa mambabatas, panahon na para baguhin ang sistema sa pagbibigay ng reward o pabuya, upang mabiyayaan din ang mga awtoridad na nagbuwis ng kanilang buhay laban sa terorismo.

Base sa panuntunan, tanging ang impormanteng sibilyan ang pwedeng makatanggap ng pabuya na nakapatong sa ulo ng isang terorista o kriminal na maaaresto o mapapatay.

Sinasabing napatay si Marwan ng SAF personnel at napalaban sa MILF at BIFF na sinasabing nagkanlong sa teroristang may patong sa ulo na US $5 milyon

Batay sa naglabasang mga ulat, mapupunta sa dalawang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang nasabing reward na tumulong sa ‘Operation Exodus’ na inilatag ng PNP-SAF.

Jethro Sinocruz

About hataw tabloid

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *