Tuesday , November 19 2024

Jockey A.F. Novera, Jr. The Singing Jockey

00 dead heatTINAGURIANG “THE SINGING JOCKEY” ng kapwa niya hinete si Alfredo Ferrer Novera, Jr. dahil sa galing nitong kumanta. Bago naging hinete si “Budoy” (palayaw niya sa mga kaibigan), kumanta na siya sa mga Pub House sa Makati City.

Noong una, sumasama lang siya sa kanyang mga kaibigan upang manood ng mga live coverage ng karera. Tuwang-tuwa siya sa mga hinahangahang hinete dahil sa husay ng mga ito sa ibabaw ng kabayo sa mga aktuwal na laban.

Dahil gusto niyang maging isang hinete, pumasok siya bilang isang helper ni Jockey Andy Casubuan at dito, natuto siya kung paano mag-alaga ng mga pangarerang kabayo.

Nag-aral si Budoy sa Philippine Jockey’s Academy sa tulong ni Ginoong Antonio Floirendo. Naging apprentice jockey siya sa loob lamang ng isang taon at kalahati bago siya naging isang professional na hinete.

Ang unang panalo ni jockey Novera,Jr. ay ang kabayong Watch Me na pag-aari ni Don Augusto Santos. Pinanalo niya ang kabayong Busandra’s Strike na dehadong-dehado sa larangan ng Daily Double event na pag-aari naman ni Ginoong Rosendo Mamucod.

Lumaban na rin siya sa malalaking pakarera ng Santa Ana Park at San Lazaro Park. Marami rin siyang tinanggap na suspensiyon dahil sa mga foul riding na kanyang nagawa.

Hindi malilimutan ni Jockey Novera,Jr. ang nangyari sa kanya sa aktuwal na race nang matanggal ang isa sa tatlong patong ng goggles na kanyang suot at sabay-sabay ang mga itong nahulog. Dapat daw, siya ang nanalo sa race na iyon kung hindi napuno ng buhangin ang kanyang mukha. Mabuti na lang at hindi siya nahulog.

Nang kasikatan niya noon ay lagi raw mainit ang mga mata sa kanya ng mga Board Of Stewards dahil pag natalo ang kanyang sakay ay napaghihinalaan siyang “Biyahe” o “Perder” ang kanyang sakay.

Ilang taon ding nawala sa mga program ng karera ang pangalang Jockey A.F. Novera, Jr. dahil siyang pumasok sa bansang Japan bilang isang Ensayador ng mga pangarerang kabayo.

Maganda daw ang tinanggap niya suweldo kesa nang naghihinete siya dito sa ating bansa.

Hanggang ngayon ay isa pa ring “BINATA” si Jockey Novera, Jr. Balak niya uling manakay dito sa ating bansa sa darating na April.

Sa kuwadra siya ni Mr. Jose Peping Santos magseserbisyo hanggang nandito sa ating bansa sa tulong nina horse trainer Mr. Tito Alavarez at Mr. Ruben Tupaz.

“Kung gusto mo na maging isang magaling na hinete dapat maging disiplinado ka sa katawan mo. Iwasan ang masamang bisyo tulad ng paggamit ng ibinagbabawal na gamot. Huwag masyadong magpupuyat. Ang paghihinete ay isang propesyon na mahirap dahil sa mga aksidente na hindi mo inaasahang mangyayari sa iyo tuwing ikaw ay nasa ibabaw ng kabayo sa mga aktuwal na laban,” pangwakas ni Jockey Alfred F. Novera, Jr.

oOo

Sa Febrero 15,2015 hahataw ang 2015 Philracom “1st Leg Imported/Local Challenge Stakes sa karerahan ng Metro Manila Turf Club Inc., Malvar, Batangas sa distansiyang 1,400 METERS.

Ang mga nominadong tatakbo ay 1.Divine Zazu (AUS)54,2.Nemesis 53, 3. Macho Machine 52, 4.Saturday Magic 52, (AUS),5.Spinning Light(AUS)55, 6.Star Belle (AUS)54 at Strong Champion (AUS)58.

May Guaranteed Prizes sa kabuuang P500,000.00. 1st P300,000; 2nd 112,500; 3rd52,500 at 4th 25,000.

BAYANG KARERISTA SUPORTAHAN PO NATIN ANG PAKARERA NG PHILRACOM!

ni Freddie M. Mañalac

About hataw tabloid

Check Also

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *