Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Estudyante kritikal sa kuyog ng mag-utol (Seksing ka-table pinag-agawan)

112514 crime sceneKRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 20-anyos  estudyante makaraan bugbugin at saksakin ng magkapatid at isa pang lalaki dahil sa selos sa ka-table na babae  sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa Tondo Medical Center  ang biktimang si John Patrick Sy, ng 2 Dela Cruz, St., Brgy. Tinajeros, Malabon City.

Agad naaresto ang magkapatid na suspek kinilalang sina Dennis, 36, at Adonis Moris, 34, kapwa obrero at residente  ng Sisa St., Brgy. Acacia ng nasabing lungsod, habang tinutugis ang isa pa nilang kasama na mabilis na nakatakas makaraan ang insidente.

Batay sa ulat ni PO3 Jun Belbes, dakong 11 p.m. nang maganap ang insidente sa isang KTV Bar sa 2nd Gloor ng Acacia Market sa Ibarra St., Brgy. Acacia ng lungsod.

Umiinom ang biktima, kasama ang isang kaibigan habang umiinom din ang mga suspek sa katabing mesa.

Ngunit habang pauwi na ang biktima ay sinundan siya ng mga suspek saka pinagtulungan bugbugin at saksakin na nahagip sa dibdib.

Rommel Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …