Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Carla, ‘pinaikot’ ng namamahala sa commercial ng kanyang endorsement

ni Alex Brosas

020915 Carla Abella

TINARANTADO si Carla Abellana ng production ng isa niyang endorsement.

Sa Instagram ay ipinaalam ni Carla ang panggagago sa kanya ng production.

“Gigisingin ka para sabihing naging mas maaga ng dalawang oras ang calltime mo. Babangon ka para maligo, mag makeup, magbuhok at magbihis sa loob ng isang oras. Record sakin yun. I-cacancel mo lahat ng appointment mo na sana gagawin mo bago ka mag trabaho. Endorsement to eh, mas importante at ayaw na ayaw mo silang biguin” say ni Carla.

“Magmamadali kang umalis ng bahay dahil bukod sa ayaw mong ma-late, alam mong biyernes ngayon kaya doble ang traffic. Nasa North ka nakatira at nasa dulo ng South ang trabaho mo. Sumakay ka ng kotse hingal na hingal ka pa. Nakarating ka sa trabaho mo ng mas maaga pa ng konti. Masaya ka dahil nakaabot ka at alam mong mapapasaya mo ang kliyente” dagdag pa ng dalaga.

“Biglang sasabihin sayo na balik na sa orihinal na calltime ang trabaho mo. So ngayon mas maaga ka na sa location ng dalawang oras. Naghahanap ka ng libangan, pupunta nalang muna sa ibang lugar. Palayo ka na ng konti para lang malamang cancelled nalang pala ang trabaho mo. Hindi naman yata tama ito. #tsktsk.”

Kawawang Carla, malinaw pa sa sikat ng araw na tinarantado ng namamahala sa commercial ng kanyang endorsement.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …