Wednesday , February 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ser Chief, pinaratangang mukha raw pera (Sa pag-atras sa concert ni Ai Ai…)

020815 Richard Yap aiai delas alas

00 fact sheet reggeeMUKHANG pera nga ba si Richard Yap? Ito ang halos lahat na komento nang malamang umatras siya sa pre-Valentine show nila ni Ai Ai de las Alas.

Base sa senaryo, hindi raw nakapag-down payment ang producers ng show na sinaFaith Cuneta at Jacob Fernandez at dahil dito ay umatras na si Papa Chen o Ser Chief sa show ni Ms A at tumanggap ng ibang show.

Dahil dito, maraming bumatikos sa aktor dahil iniwan niya sa ere si Ai Ai na kaibigan at nakasama naman daw niya sa seryeng Binondo Girl na unang break niya sa showbiz.

May paliwanag ang handler ni Richard na si Kate Valenzuela tungkol sa isyung ito.

“Technical, Reggs, hindi si Papa Chen ang may problema, ang producer ang may problema,” sabi nito sa kabilang linya kahapon.

Buwan ng Setyembre pa last year nang magkaroon ng negosasyon sina Richard at producers ng show para mag-guest sa pre-Valentine show ni Ai Ai, pero Pebrero na ay hindi pa rin nagbigay ng down payment.

“They have to follow the contract, Reggs, kasi kung hindi rin lang, bakit pa nagkontrata?

“Ilang beses nangako na magbibigay na ng downpayment, binukas-bukas kami, ‘yung staff ko, ilang oras nila (producer) pinaghintay, tapos noong dumating si Faith (Cuneta-partner ni Jacob Fernandez) wala namang dalang pera, kesyo ganito o ganyan. Bakit hindi na lang sabihing walang pera, tapos.

“Actually, ilang buwan naming hinintay ang pangako nina Jacob, si Faith ang humaharap sa amin, eh.

“Alam naman nina Jacob na Valentine show ito, maraming inquiries for papa Chen, siyempre kung sino ‘yung nagbigay ng downpayment, doon kami, business ito, sabihin na nilang mukhang pera, eh, ganoon talaga.

“Hindi naman sila nakikipag-usap ng maayos, puro bukas-bukas, nakakapagod din.

“Hindi naman kami bago sa business na ito, ramdam naman namin kung may pera o wala ang producer.

“At saka ang nakaiirita pa, nagpagawa sila ng poster at may billboard pa na hindi nila pina-approve sa amin. Ano ba ‘yun?

“Labas si Ai Ai sa usapan dito, hindi siya ang kausap namin, pero sana naisip din ni Ai Ai kung ano ang protocol, bakit siya pumayag sa ganoon kaya nga may kontrata, eh.

“Alam din nina Mary Ann (Sta. Ana) ng Backroom, opisina sila kaya alam nila ang dapat, pero bakit parang lumalabas si papa Chen pa ang sinabing inuna ang nagbigay ng downpayment? Ganoon naman talaga, ‘di ba?

“Eh, bakit may pulis pa kung hindi naman susundin ang rules and regulation? Para saan pa?

“Nalungkot nga si papa Chen, actually sabi nga niya, nahihiya siya kay Ai Ai, nagpadala raw ng bulaklak. Pero wala siyang magagawa kasi management decision ito.

“Kinausap na nga nila si sir Deo (Endrinal-manager ni Richard), kaya tinanong ako, ikinuwento ko ang buong istorya, at saka nanindigan ako kasi ako naman ang kausap nina Jacob, sa akin naman ang call.

“Kaya Reggee, wala kaming fault doon, kawawa nga Ai Ai, nagco-prod na siya kasi walang pera ang producer.

“Sabihin na nilang nasira pangalan ni papa Chen, okay lang, basta sinabi namin ang totoong dahilan.

“Tapos noong nalaman nilang nag-back out na si papa Chen, bigla nilang sinabi nag-deposit na raw sa banko, okay fine!

“Tsinek namin every minute online, wala naman. Pinapuntahan ko na sa staff ko sa mismong banko baka kasi nagloloko ang online, wala talaga. Nag-wait pa kami ng ilang oras baka kasi hindi pa nake-credit ‘yung idineposit kasi BDO to BDO naman, wala talaga. So, anong tawag doon?

“So, kami may mali, saan may mali si papa Chen? Paki-paliwanag nga nina Jacob at Faith?” buong kuwento sa amin ng senaryo.

Kaya tumanggap na raw ng ibang commitment si Richard sana raw ay maintindihan ito ng lahat at ng mga manonood ng show na wala sa parte ng aktor ang pagkukulang.

Ano naman kaya ang paliwanag nina Jacob at Faith dito?

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PMPC

Bagong halal na opisyales ng PMPC nanumpa

RATED Rni Rommel Gonzales PINANGUNAHAN ng bagong halal na pangulo ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang …

Angel Locsin Joaquin Arce

Angel bongga ang ipinakikitang suporta kay Joaquin

I-FLEXni Jun Nardo HANGGANG X (formerly Twitter) naglalabas ng tweets ang missing in action pa ring si Angel Locsin. …

Blind Item, Mystery Man, male star

Serye sa isang network ‘di maumpisahan, bidang aktor sayang

I-FLEXni Jun Nardo TOTOO ba ang nasagap naming tsika na may problema pa raw sa …

Ai Ai delas Kim Rodriguez Batang Paco

Kim Rodriguez nanlamig, kinabahan habang kaeksena si AiAi

MATABILni John Fontanilla ZERO ang lovelife ni Kim Rodriguez dahil mas gusto nitong tutukam ang career. Kuwento …

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …