Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Akyat-bahay na kano arestado

112514 crime sceneNAHAHARAP sa kasong pagnanakaw ang isang turistang American national nang pasukin at pagnakawan ang isang unit sa condominium na tinutuluyan niya sa Pasay City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Pasay City Police chief, Sr. Supt. Sidney Sultan Hernia, ang dayuhan na si Christopher Holleman, 44, pansamantalang nanunuluyan sa 1460 Sea Residences, SM MOA Complex ng naturang lungsod.

Habang kinilala ang complainant na si Aimee Armea, 21, imaging associate, ng Unit 321 ng naturang condominium.

Base sa imbestigasyon ni PO2 Renile Dumanacal, imbestigador ng Investigation Unit, nangyari ang insidente dakong 9:50 p.m. sa tinutuluyang condo unit ni Armea.

Habang nag-i-internet si Armea biglang mawala ang connection kaya lumabas siya kasama ang kinakasamang si Francis upang tignan kung bakit nawala ang kanilang connection.

Pagbalik ng dalawa sa kanilang condo unit, napansin nilang bukas ang pintuan nito, agad silang nagduda na may kakaibang nangyari at namataan nila ang dayuhan na nagmamadaling umalis at dumaan sa fire exit.

Natuklasan nila na pinagnakawan sila kaya humingi ng tulong sa guwardyang si Reinan Ronda at hinabol ang papatakas na dayuhan hanggang maaresto.

Jaja Garcia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …