TINAPOS ng isang lalaking adik ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbibigti dahil sa depresyon nang masobrahan sa paggamit ng droga sa Navotas City kamakalawa ng umaga.
Patay na nang matagpuan ang biktimang si Reginio Sebastian, 29, dakong 9 a.m. sa loob ng kanilang bahay sa Tulay 7, Brgy. Daanghari ng nasabing lungsod.
Base sa ulat ni PO3 Jeffrey Montero, natuklasan ang nakabigting biktima ng kapatid niyang si Marcial Sebastian.
Nabatid saimbestigasyon, talamak sa paggamit ng droga ang biktima at nakaramdam nang depresyon nang masobrahan sa paggamit nito.
Rommel Sales