Saturday , December 28 2024

Traffic enforcer pumanaw na

00 bullseye batuigasBINAWIAN na ng buhay ang kawawang traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na kinaladkad at sinagasaan pa ng isang demonyong motorista na kanyang sinita sa Cubao, Quezon City.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, pumanaw si traffic constable Sonny Acosta bunga ng cardiac arrest bandang alas-2 ng hapon noong Martes sa St. Luke’s Medical Center sa QC.

Na-comatose si Acosta bunga ng tinamong matitinding pinsala sa ulo matapos siyang kaladkarin at sagasaan ng isang pulang Isuzu Sportivo na minamaneho ni Mark Ian Libunao.

Ayon kay Tolentino ay wala sa tamang lane ang Sportivo at sa mga bus sumasama nang pahintuin ni Acosta. Kunwari ay ibibigay raw ni Libunao ang lisensya pero bigla nitong isinara ‘yong bintana ng sasakyan at pinaharurot. Walang awa nitong kinaladkad si Acosta na napailalim sa Sportivo.

Natunton mula sa numero ng plaka ng sasakyan na pag-aari ito ng isang Dante Borquete ng San Miguel, Bulacan. Pero nang maganap ang insidente ay minamaneho ito ni Libunao.

Pinuna na natin noong Miyerkules na masyadong magaan ang “reckless imprudence resulting in serious physical injuries” at “driving with an expired license” kay Libunao.

Ngayong pumanaw na si Acosta ay “murder” ang dapat ikaso sa damuho dahil maliwanag pa sa sikat ng araw na sinadya niya ang kawalanghiyaang ginawa sa traffic enforcer.

Ipakita na hindi puwedeng lumusot ang kagaguhan ng mga sira-ulong driver. Panagutin si Libunao upang magsilbing aral sa iba at huwag nang maulit ang ganitong trahedya.

Nananawagan si Tolentino sa mga puwedeng lumutang, tumestigo at tumulong sa paghahanap ng hustisya para kay Acosta.

Ilang ulit na nating sinabi na ang pagmamaneho ay malaking responsibilidad kaya dapat higpitan ang pagbibigay ng driver’s license. Ang mga hinayupak na madaling mag-init ang ulo o kaya ay may pagkukulang sa pag-iisip ay hindi dapat mabigyan ng lisensya. Mantakin ninyong kahit bulag ay nakakukuha ngayon ng lisensya basta may pera.

Ang mga motorista ay dapat disiplinado at marunong rumespeto sa awtoridad. May batas tayong umiiral na hindi puwedeng balewalain ng kahit sino. Alalahanin na mismong si Pres. Noynoy Aquino ay sumusunod sa batas-trapiko. Walang karapatan ang sino man na labagin ito.

Sa panig naman ng mga traffic enforcer, mga mare at pare ko, ay dapat ayusin nila ang kanilang mga sarili upang magmukha silang kagalang-galang sa paningin ng mga motorista.

Kung marusing ang inyong suot na uniporme, gusot ang buhok at marumi sa katawan ay hindi kayo irerespeto ng mga damuhong nagmamaneho sa lansangan.

Tandaan!

***

SUMBONG: “Mahigit isang buwan nang nakalagay ang peryahan dito sa Barangay 40, Libertad, Pasay City. Pero ayaw pa rin alisin ng kapitan ng barangay ang peryahan. Malapit ito sa PCP 3 at day care at harapan ng barangay hall.”

***

TEXT 0946-8012233 para sa inyong mga sumbong, puna at reklamo.

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *