PINABILIB na naman tayo ni Presidential Assistant on Rehabilitation and Recovery (PARR) chief Panfilo “Ping” Lacson nang maghain siya ng resignation dahil lumitaw sa kanilang huling assessment tapos na ang kanyang trabaho.
Hanggang Pebrero 10, 2015 ang transisyon ng mga proyekto.
Sa desisyon na ‘yan ni former Senator Ping Lacson napatunayan niyang hindi siya kapit-tuko sa puwesto (hindi gaya ng iba riyan).
Ibig sabihin, mula sa simula tanggap niya kung ano ang papel niya sa PARR. Tutukan na maumpisahan ang mga proyekto para sa mga nasalanta ng kalamidad.
At ngayong tapos na, malinaw rin sa kanya na dapat ay kusa siyang magbitiw.
Sa isang banda, mas mabuti na rin na nagbitiw na si Secretary Ping kasi kung magtatagal-tagal pa siya baka magmukha na siyang ‘flower vase.’
Sabi nga niya figuratively ay bossing siya pero wala siyang kontrol sa mga tao dahil sila ay nagmula sa iba’t ibang yunit o ahensiya ng gobyerno batay sa kanilang expertise o tungkulin.
Mas lalong wala siyang kontrol sa pondo dahil direktang nasa pamamahala ng national government.
Kapag nai-turnover na sa local government units ang mga proyekto sa ilalim ng rehabilitation and recovery, normal na unti-unting malulusaw ang PARR batay na rin sa mga inilatag na layunin ng pagkakalikha sa nasabing ‘super body.’
Ang pwede lang natin gawin ngayon, pasalamatan si Secretary Ping at kilalanin na bahagi siya ng kasaysayan para muling makaahon ang Tacloban, Leyte at iba pang lugar sa Eastern Visayas mula sa delubyo ng daluyong ni Yolanda.
Thank you and congratulations Secretary Ping Lacson! Good Job!
Nahagip o natanong na ba kayo ng kung ano-anong political survey?!
NAGTATAKA lang tayo kung bakit sa dinami-dami ng mga naglalabasang survey-survey tungkol sa kung kani-kaninong politiko ‘e hindi man lang tayo natanong o kahit man lang ang isa sa mga kakilala natin.
Mahigit kalahating siglo na ang inyong lingkod dito sa Metro Manila pero wala tayong aktuwal na survey na nakita sa lansangan.
Kaya naman hindi na tayo nagtataka kung bakit ang mga inilalabas na survey sa mga news item ay nagagawang maibaling o maimanipula kung kanino ito ipapabor.
Sonabagan!!!
Honestly, wala akong kabilib-bilib diyan sa mga lecheng survey na ‘yan!
Ano ang nais nating puntuhin?!
Ang survey ay isang mind conditioning na ginagamit na ‘hulmahan’ para sa mga target constituents.
‘Yun po talaga ang masakit dito sa ating bansa. Mayroong mga sector o saray na walang kakayahang limiin ang sistema ng politika sa bansa.
Karamihan ng botante natin ay nag-iisip o pumipili ng kanilang ibinoboto batay sa kung gaano nila kadalas nakikita sa telebisyon o gaano nila kadalas nababasa sa diyaryo.
At dahil kapos sila sa kakayahang suriin ang impromasyon mula sa media, kung sino ang naikintal sa kanilang isipan ay ‘yun ang kanilang ibinoboto.
Isa po sa instrumento para sa mind conditioning ‘yang sandamakmak na survey na ginagastusan ng limpak-limpak na salapi ng mga politiko.
Ano ang agenda nila para maglabas ng ganyan survey?
Iisa lang po ang basehan natin dito, na kahit kailan mula nang tayo ay magkaisip, wala pa tayong nakita o nakasalubong na actual survey.
‘Yun lang po.
Mang Inasal sa tapat ng Isetann at SM Quiapo bumubulwak ang ebak! (Excuse po sa mga nag-aalmusal)
SIR Jerry gud pm! Grabe n talaga 2ng MANG INASAL sa tapat ng Isetann at SM Quiapo araw-araw n lng umaapaw ang tae sa gilid nila. Bumabaha palagi ng tae nakakasuka. Masakit sa sikmura at napakabaho. Ang naka-park na kotse lagi dinadaluyan ng 2big na may ksamang tae. Ang aming Brgy. 306 walang pkialam. Pinapabayaan lng nila kasi mag-iisang taon na ganito palagi. Ang alam ko nakarating n to s Manila City hall sanitary department. Ngayon umaapaw n naman. Paki-aksyonan nman sir. Tnx! +63929847 – – – –
Pwede n’yo ipost sa FB nyo
GOOD am ka Jerry Yap, puwede q po ba ipost sa wall q na bonnie en Clyde s FB ang isyu kay CPL. RAMOS HARI NG SIM/CELL CARDS. Ako po ay isa sa tagasubaybay ng HATAW DIYARYO NG BAYAN. Anu po ang fb account n’yo para i-tag q. Salamat po. +63926281 – – – –
Congrats Atty. Michael Macapagal
SIR, pakibati naman po ng Congratulations! sa inyong sa inyong kolum, si Atty. Michael Macapagal for passing the New York bar examination – 2014 2014, Graduate, Master of Laws (LLM) Columbia University, New York Columbia Law School. Greetings: from Macapagal Family. Maraming salamat po.
+63932300 – – – –
Walanghiyang guwardiya ng Vigilant Agency sa Luneta (Attn: NPDC Exe. Dir. Elizabeth Espino)
GOOD am Sir, may isusumbong lang ako sa inyo Sir, na ‘tong walanghiya na guard ng vigilant sa Luneta na c Sambulawan na kahit mga bata nagtitinda ng sitsaron ay kinukuha at kinakain. Hindi naisoli may puhunan ‘yan at naghanapbuhay ang kawawang mga bata. ‘Yung ibang vendors d2 sa Luneta hndi hinuhuli basta magbigay ng ‘tong kahit hndi ka membro sa assn. Kawawa ang mga bata na naghahanapbuhay. Ang mga magnanakaw hndi niya kayang hulihin cguro may kahati cya sa mananakaw. Pakilagay naman sa kolum n’yo para malaman at mabasa sa mga NPDC at nakatataas sa VIGILANT AGENCY at sa buong LUNETA PARK. Ako’y nagmamalasakit lang d2 dahil sa mga bata na laging hinahabol at kinukuha ang mga paninda. Salamat po mabuhay kayo at ang inyong pahayagan.
+6394739 – – – –
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com