Thursday , December 26 2024

Reckless pala si SILG Mar Roxas

USAPING BAYAN LogoKAMAKAILAN ay kumalat ‘yung retrato ni DILG Sec. Mar Roxas na sumemplang sa motor habang iniinspeksyon ang mga nasalanta ng kadadaan lamang na bagyo.

Wala naman sanang problema sa kanyang ginagawa subalit napuna ko na wala siyang suot na helmet. Bilang isa sa mataas na pinuno ng bansa ay nakita ko kung gaano ka-reckless si Sec. Roxas.

Isipin na lamang na kung nabagok ang kanyang ulo sa pagkakasemplang na iyon ay maaaring may nangyaring masama sa kanya. Maaaring nawala siya at mababakante ang isang sensitibong posisyon sa pamahalaan o pwede rin naman na nawalan siya ng malay at nagkaroon ng mga komplikasyon na maaari rin niyang ikawala.

Ang ganitong gawain ng isang lider ay hindi tama maliban na lamang kung ang layunin ng pagsemplang ay upang umani ng pogi points. Hindi ko masisisi ang mga nag-isip na gimik lamang ang lahat…mahilig kasing gumimik si Sec. Roxas…nagtitinda sa palengke.., nagtatrapik etc…etc… korni at sayang ang perang bayan sa ganitong mga gimik.

May dahilan kung bakit mahalaga ang helmet sa isang nagmomotor kaya nga pinapatawan ng fine ang mga hindi nagsusuot nito alinsunod sa Republic Act 10054. Tingnan ninyo ang mga fine na ipinapataw sa mga ‘di nagsusuot ng helmet:

(a) Any person caught not wearing the standard protective motorcycle helmet in violation of this Act shall be punished with a fine of One thousand five hundred pesos (Phpl,500.00) for the first offense; Three thousand pesos (Php3,000.00) for the second offense; Five thousand pesos (Php5,000.00) for the third offense; and Ten thousand pesos (php 10,000.00) plus confiscation of the driver’s license for the fourth and succeeding offenses.

Malinaw na dapat rin patawan ng fine si Roxas. Sa susunod sana siya ay maging mabuting halimbawa sa mga mamamayan. Hindi palusot ang kanyang “paglilingkod” sa hindi pagsunod sa tamang alituntunin.

* * *

Alam ba ninyo na ang Iglesia Filipina Independiente (na mas kilala rin sa taguring Aglipayano) ay itinatag ng mga manggagawang Pilipino na pinangungunahan ni Don Isabelo de los Reyes Sr. noong Agosto 3, 1902. Ito ‘ata ang kaisa-isang relihiyon sa mundo na itinatag ng masa at hindi ng isang nagpapakilalang propeta, o doktor ng simbahan.

Ang IFI ang buhay na alaala at sakramento ng Himagsikang 1896 na pinamunuan ni Gat Andres Bonifacio.

* * *

Kung ibig ninyo ng mahusay, dekalidad at matibay na Barong Tagalog ay magsadya kayo sa Casedo’s Gown and Barong Embroidery sa Vanesa Homes, Maytalang 1, Lumban, Laguna. Hanapin ninyo ang mag-asawang Rey at Analie Casedo. Maari rin kayong tumawag sa 0498220514 / 09228705893 / 09165753448 / 09273008338 / 09287005132 / 09228705894

 

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *