Friday , November 22 2024

Maka-Binay pabawas nang pabawas

00 bullseye batuigasPABAWAS nang pabawas ang bilang ng mga naniniwala at sumusuporta kay Vice Pres. Jejomar Binay, at kitang kita ito sa huling survey na Pulse Asia.

Mantakin ninyong bumulusok ito pababa ng limang puntos at nakapagtala ng 26 porsyento sa hanay ng mga kandidatong gusto ng publiko. Maaalalang sa survey noong third quarter ay bumulusok siya ng 10 puntos mula 41 kaya nakakuha ito ng 31 porsyento.

Oo nga’t maipagmamalaki ng kampo ni Binay na siya pa rin ang nangunguna sa mga tatakbong pangulo sa 2016, hindi maikakaila na lumalabas sa pinakabagong survey na halos tatlo sa bawat apat na Pilipino ay ayaw kay Binay. Hindi biro-biro ang puntong ’yan kaya hindi puwedeng balewalain ng mga dakilang sipsip sa pali-gid ng bise presidente.

Hindi rin puwedeng isantabi ang katotohanang umangat si Sen. Grace Poe mula 10 porsiyento noong Setyembre sa 18 porsyento nga-yon. Si Poe na ang pinakamalapit na karibal ni Binay at inaasahang tataas pa ito sa mga susu-nod na survey. Si Poe rin ang nanguna sa mga nais ng tao na maging bise presidente sa 2016 sa nakuha nitong 33 porsyento.

Ipinagmamalaki ni Binay na kapasidad at karanasan daw ang hinahanap ng mga tao sa isang pinuno. Namuno nga naman siya bilang alkalde ng Makati sa loob ng 21 taon.

Pero sa totoo lang, malaking bagay na malinis at tapat ang kandidato. Marami ang sumusuporta kay Poe dahil baguhan man ay malinis ito at walang sabit sa kanyang pamamahala.

Ang mga naglabasang isyu ng iregularidad laban kay Binay sa Senate Blue Ribbon sub-committee ay nakaapekto nang husto sa kanyang kre-dibilidad. Nais ng sambayanan at pati ng mga pinuno ng Simbahan na magpaliwanag siya sa Senado pero umiwas nang umiwas siya, mga mare at pare ko, kaya lalong naghinala ang marami na totoo ang mga akusasyon laban sa kanya.

Manmanan!

***

BINABATI natin sina Chief District Directorial Staff (CDDS) Sr. Supt. Gilbert Cruz at District Director Sr. Supt. Rolando Nana ng Manila Police District, sa kanilang pagsisikap upang mapaganda nang husto ang bakuran ng MPD.

Kung madaraan kayo sa MPD headquarters sa U. N. Avenue ay imposibleng hindi ninyo ma-kita ang nagkikislapang Christmas lights sa bawat bintana, bubungan at paligid ng gusali nito na tinutukan ni Cruz ang pagkakabit at pagsasaayos. Sa mismong pasukan nga ay umaandar sa palibot ang mga ilaw na parang screen ng sinehan. Magugulat at mamangha kayo.

Buhay na buhay ang diwa ng Pasko sa MPD, mga mare at pare ko. Marami nang nagdaang Pasko pero ngayon lang naging ganito katindi at kaganda ang pagpapailaw sa MPD.

Binabati natin sina Col. Cruz at Col. Nana for a job well done. Hindi lang sa paghuli ng damuhong kriminal kayo maaasahan kundi pati sa pagpapaganda ng MPD ngayong Kapaskuhan.

Palakpakan!

***

PUNA: “Bakit po kapag ang isang indibidwal mula sa senado ay nagpatayo ng impraestraktura at nag-overprice ay kinakasuhan? May karampatang parusa po ba sa ganitong klaseng isyu?”

Ipinagbabawal sa batas na mag-overprice ang ating mga opsiyal ng gobyerno para makapagbulsa lang ng kickback o tongpats mula sa pondo o kaban ng gobyerno.

Tandaan!

***

TEXT 0946-8012233 para sa inyong mga sumbong, puna at reklamo.

 

Ruther Batuigas

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *