Bato bato sa langit ang tamaan tiyak magagalit…
ALAM kaya ng mga bossing sa Bureau of Customs na marami ang gumagamit ng maskara na mga ilegalista na nagpapanggap na lehitimong negosyante/importer sa customs pero sa totoo lang ay smuggling rin ang lakad nila.
Ito ‘yun mga ‘makapili’ o tagasumbong sa mga kalaban nila sa negosyo. Sila rin ‘yun ma-dalas kaharap ng mga top brass sa BOC na kunwari ay katuwang ni Commissioner Sevilla sa pagsugpo ng smuggling.
Pero ang nagdudumilat na katotohanan, sila ang no. 1 mandaraya sa pagbabayad ng buwis.
Kung talagang nakatutulong sila sa customs revenue collection ‘e bakit malaki pa rin ang de-ficit sa collection target ng BOC?
Sawang-sawa na tayo sa mga praise release na gaya nito: “compare to 3rd quarter 2013 collection mas mataas ang collection ng customs ngayon 2014.”
Pero suma-total kapos pa rin ang target collection nila!
Bakit hindi subukan na himayin mabuti ang importation nitong mga legitimate businessman/importer para magkaalaman na talaga.
Hindi po ba!?
Ricky Carvajal