CAGAYAN DE ORO CITY – Walo ang patay sa masaker na hinihinalang droga ang dahilan sa Purok 6, Brgy. Saray, Iligan City kahapon ng madaling araw.
Kinilala ang mga pinaslang na sina si Ryan Omilla, Balong Castelo, Tato Gabriel, Pedro Lumayaw, Awil Lumayas, Narciso Lumayag, pawang residente sa nasabing lugar; at dalawa pang mga biktimang hindi pa nakikilala ng pulisya.
Ayon kay Supt. Gervacio Balmaceda Jr., Deputy Director ng Iligan City Police Office, apat armadong lalaking nakasuot ng bonnet ang bumaril sa mga biktima habang nasa loob ng bahay.
Naniniwala ang mga awtoridad na may kinalaman sa pagtitinda ng droga ang motibo sa pagpatay sa mga biktima.
Beth Julian