TATLO na ang naitalang patay sa pananalasa ni Bagyong Queenie kahapon.
Napag-alaman, binawian ng buhay ang chief engineer ng isang barge sa Jagna, Bohol.
Ayon sa ulat, inabutan ng bagyo sa gitna ng dagat ang barge na sinasakyan ni Engr. Cesar Dela Cerda na natagpuang wala nang buhay sa kalupaan ng Jagna. Ang biktima ay residente ng Liloan, Cebu.
Unang napaulat na namatay sa bagyo ang 40-anyos na si Alona Baldado, residente ng Brgy. Sto. Nino sa Cebu.
Habang may isang mangingisda ring namatay sa bayan ng Pres. Garcia-Hernandez, Bohol, na kinilalang si Rosito Gavas, 66-anyos.